Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rachelle Ann Go, ‘di pa handang kausapin ang ex-boyfriend


After two months matapos ang kanilang breakup, napatawad na raw ni Rachelle Ann Go ang ex-boyfriend niyang si John Prats. Ngunit hindi pa raw ito ang tamang panahon para kausapin niya ang actor-TV host. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabing naging kontrobersiyal ang paghihiwalay ng dalawa dahil nagmistulang “last person to know" daw si Rachelle sa nangyaring breakup.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Napaulat kasi na mas nauna pa raw kasing ipinaalam ni John sa isang talk show ang pakikipaghiwalay niya sa young singer. Ngayon ay lumalabas na raw si Rachelle on a friendly date pero hindi pa raw siya handang pumasok sa panibagong relasyon. – FRJ, GMA News