Filtered By: Showbiz
Showbiz

Hayden Kho Jr to appeal PRC decision


Masakit daw para kay Hayden Kho Jr. ang naging desisyon ng Professional Regulation Commission (PRC) na tuluyang tanggalin ang kanyang medical license kaugnay ng reklamong isinampa laban sa kanya ng aktres na si Katrina Halili. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabi ni Hayden na iaapela niya ang desisyon ng PRC. Maging ang fiancée niya na si Dra Vicky Belo ay nalulungkot daw sa naturang desisyon. Giit ni Hayden, masakit na matanggalan ng lisensiya dahil lang sa kontrobersiya na nangyari sa personal niyang buhay at walang kinalaman sa kanyang propesyon.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “It is difficult to accept and it’s painful, because I’m losing my medical license not because of lack of knowledge or skills or even lack of dedication to my profession, but because of what I did in my personal life. I am not saying what I did was not wrong, but I appeal for fairness…" ayon kay Hayden. Ang reklamo ni Katrina laban ay Hayden ay nag-ugat sa sex video scandal nila na kumalat sa Internet. Iginiit ng aktres na hindi niya alam na kinunan ni Hayden ng video ang kanilang ginagawa. Ikinatuwa naman ni Katrina sa naging desisyon ng PRC. “Thankful naman po ako na na-grant yung ipinaglalaban ko pero hindi naman po ibig sabihin nun mag-celebrate ako," paliwanag niya. Kabilang noon sa sumuporta kay Katrina na alisan ng lisensiya si Hayden ay si Senador Ramon “Bong" Revilla Jr. -- FRJimenez, GMA News