Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lovi Poe, sumabak sa sexy photo-shoot ng men's magazine


Sa unang pagkakataon, ginawa sa ibang bansa ang pictorial ng isang sikat na men’s magazine para sa sexy pictorial ni Lovi Poe, na siyang cover ng naturang babasahin this September. Sa ulat ni showbiz reporter Aubrey Carampel para sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing kakaibang Lovi daw ang makikita sa FHM magazine. Itinuturing special ang September issue ng magazine dahil ito ang unang out of the country photo-shoot na ginawa sa Bangkok, Thailand.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Suot ang two-piece swimwear, game na game at walang takot na nag-pose si Lovi sa tabi ng dambuhalang elepante para sa pictorial. Nagpatikim naman si Lovi ng kanyang sexy photo na inilagay niya sa kanyang Twitter account. Nagpasalamat siya sa pamunuan ng FHM at exited na raw siyang makita ang kabuuan ng magazine. Umani naman ng papuri sa mga celebrities ang naturang photo-shoot dahil bukod sa kaseksihan ni Lovi, maganda araw ang konsepto ng pictorial. - FRJimenez, GMA News