Filtered By: Showbiz
Showbiz

Richard Gutierrez reacts to rumors he’s dating Lovi Poe


Nagsalita na at may pakiusap ang Kapuso leading man na si Richard Gutierrez tungkol sa mga isyu na romantikong nag-uugnay sa kanya kay Lovi Poe. Sa ulat ng GMA News’ Unang Balita nitong Biyernes, iginiit ni Richard na magkaibigan lang sila ni Lovi. Naging close umano sila ng aktres nang magkasama sila sa action series na Captain Barbell. Sinabi ng aktor na nirerespeto niya ang pamilya ni Lovi kaya nakiusap siyang huwag ng palakihin pa ang isyu.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “I have to talk about that... it’s not fair for Lovi. I don’t know kung saan nakuha ang isyu... ‘wag na nating palakihin yung isyu na ‘yon," pakiusap ni Richard. Nauna nang nagsalita si Lovi tungkol sa naturang isyu at iginiit na mabuting magkaibigan lang sila ni Richard. "Si Richard, nagkasama kami sa [Captain] Barbell and he's a good friend of mine. Yun lang naman ang masasabi ko," paliwanag ng aktres sa ulat na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph). Dagdag pa ni Lovi: "Isa yun sa mga lalaking masasabi ko na totoong tao na talagang mabait. Isa siyang tunay na kaibigan, yun lang ang masasabi ko."