Filtered By: Showbiz
Showbiz

PNoy’s ex-gf Shalani Soledad is reportedly dating a congressman


Isang kongresista mula sa Metro Manila ang sinasabing nakaka-date ngayon ni Valenzuela Councilor Shalani Soledad, ang ex-girlfriend ni Pangulong Noynoy Aquino III. Sa ulat ni Erwin Santiago sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Biyernes, sinabing dalawang beses namataan na magkasama sina Soledad at Pasig City Rep Roman Romulo. Nakita raw ang dalawa sa Baclaran church nitong midnight ng September 2, at last week sa The Peninsula Manila Hotel sa Makati. Sinabi umano ni Roman sa kanyang mga kaibigan na “umuusbong" pa lang ang kanilang relasyon ni Shalani. Si Roman ay anak ni dating Department of Foreign Affairs secretary Alberto Romulo. Matapos ang hiwalayan nila ni PNoy, romantikong naugnay si Shalani sa kanyang co-host sa telebisyon na si Willie Revillame. Inihayag ng PEP, na kaagad nilang ilalabas ang pahayag nina Shalani at Roman tungkol sa balitang ito. - FRJ, GMA News