Filtered By: Showbiz
Showbiz

Carla Abellana, bilib sa sexy body ni Lovi Poe


Excited na si Carla Abellana sa movie niyang My Neighbor’s Wife kung saan for the first time ay gumawa siya ng love scene. Pero tigil na daw muna ang aktres sa paggawa ng love scene dahil baka magalit na ang kanyang pamilya at boyfriend. Sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabing balik muna sa soap si Carla via “Kung Aagawin Mo Ang Langit," kunsaan gustong-gusto raw niya ang kanyang karakter. “Hindi siya very expressive yung character so lahat nasa loob, kinikimkim niya lahat," kwento ng aktres. Sa ngayon, ayaw na daw muna ni Carla na gumawa ng love scene dahil baka sumama na ang loob ng kanyang pamilya, lalo na ang kanyang lola na si Delia Razon.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nangangamba rin ang aktres na baka magalit na rin ang kanyang boyfriend na si Geoff Eigenmann. “Ayoko na muna, parang nakakapagod. First time kong mag-love scene dalawang beses pa ‘di ba sa isang pelikula lang," ayon kay Carla. At dahil kasama niya sa movie ang sexy Kapuso star na si Lovi Poe na cover ngayon ng isang men’s magazine, naitanong din kay Carla kung papayag din ba siya magpose ng sexy sa magazine. “Hindi na ako aabot sa ganung point na will come out in the cover of any men’s magazine. Pang-Lovi Poe na lang ‘yan, sobra-sobrang sexy talaga," tugon niya. -- FRJimenez, GMA News