Filtered By: Showbiz
Showbiz

Michelle Madrigal, inaming may 'Azkal' member na 'nagpaparamdam' sa kanya


Inamin ng sexy Kapuso star na si Michelle Madrigal na mayroong member ng Philippine Azkals na “nagpaparamdam" sa kanya. Pero nilinaw niyang hindi ito ang star goalkeeper ng team na si Niel Etheridge. Sa ulat ng Balitanghali ng GMA News TV nitong Biyernes, nanindigan si Michelle na magkaibigan lang sila ni Niel na naugnay sa kanya dahil sa palitan nila noon ng tweet messages at napaulat na nakaka-date niya.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Hindi si Niel ang nagpaparamdam sa akin sa mga Azkals," pagdiin ng aktres sabay dagdag ng “secret," nang tanungin kung sino ito. “Wala naman po dito saka hindi naman po dito nakatira. Saka gaya ng nga po ng sinabi ko, ayoko na munang isipin yung mga ganyang bagay," paliwanag ni Michelle. Samantala, excited na rin si Michelle sa pagbabalik ng hit reality TV series na Survivor Philippines Celebrity Edition, kung saan nakasama siya sa nakaraang season. Payo niya sa mga makakasama sa susuno na season: “Masanay na kayo sa kagat ng lamok, yung walang kinakain at yung challenges. At siyempre kung sino yung kukunin niyong alliance na dadalhin kayo to the end." - FRJimenez, GMA News