Filtered By: Topstories
News

2 testigo, idinawit si ex-Comelec chair Abalos sa poll fraud


Ipinahayag ng dalawang dating election supervisors mula North Cotabato at South Cotabato ang kanilang nalalaman tungkol sa umano'y iregularidad sa naganap na 2007 mid-term elections. Sa isang press conference nitong Lunes, iniharap ni Justice Secretary Leila de Lima sina Atty. Lilian Radam at Atty. Yogi Martrizar upang ipahayag ang pagpwersa sa dalawang abogado na lagdaan ang certificate of canvass at statements of votes na diumano'y nagpabago sa tunay na resulta ng eleksyon noong 2007. Ayon kay De Lima, nakasaad sa affidavit na sinunod lamang nina Radam at Martirzar ang pag-uutos umano ng dating Commission on Election chair Benjamin Abalos at ilang mga personalidad mula Malacañang. Ani De Lima, “The special instruction came no less form the former chair of the Comelec, Benjamin Abalos and ostensibly, on instructions from upstairs, from the Palace." Patuloy na itinatanggi nina Abolos at ng mga dating opisyal ni Glorial Macapagal Arroyo sa kanilang koneksyon sa nasabing pandarayang naganap sa resulta ng eleksyon noong 2007. Kasalakuyang hindi pa pinapalabas sa midya ang mga kopya ng affidavit nina Radam at Martirizar. Nasa pangangalaga na ng Department of Justice’s Witness Protection Program ang dalawang poll officials. Tatayo ang dalawa bilang testigo sa DOJ-Comelec joint panel na kasalakuyang pinag-aaralan ang nasabing pandarayang naganap sa eleksyon noong 2004 at 2007. — AF/RSJ, GMA News

LOADING CONTENT