Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sen Revilla wants Shamcey Supsup as leading lady


Kung may pagkakataon, nais daw ni Sen. Ramon “Bong" Revilla Jr., na makatambal kaagad niya sa pelikula ang kapapanalo pa lang na Miss Universe third runner-up na si Shamcey Supsup. Sa panayam ng media nitong Martes, sinabi ni Revilla na kung may pagkakataon ngayon, nais niyang maisama si Shamcey sa ginagawa niyang Panday 3 na isasali niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this December. “Gusto kong makapartner si Shamcey, kung gusto niya lang mag-artista, gagawin ko siyang leading lady ko sa Ang Panday 3," pahayag ng actor turned politician. Naniniwala si Revilla na magiging box office hit si Shamcey sa takilya dulot ng ipinakita nitong galing sa katatapos lang na Miss Universe Pageant na ginanap sa Brazil kung saan nakasama siya sa limang pinakamagagandang babae sa mundo. Sinimulan ni Revilla ang preparasyon sa kanyang Ang Panday 3, kunsaan kasama niya sa pelikula sina Marian Rivera, Philip Salvador at Mark Lapid. Ngunit dahil inaasahang marami pang aktibidad na gagawin si Shamcey ngayong taon bunga ng kanyang tagumpay sa Miss Universe Pageant, sinabi ni Sen Revilla na posibleng next magkaroon ng katuparan ang kanyang hangarin na makatambal sa movie si Shamcey. Nauna nang inihayag ni Shamcey ng 25-year-old architect na hindi niya prayoridad sa ngayon ang pagpasok sa showbiz. -- ER/FRJ, GMA News