Filtered By: Showbiz
Showbiz

‘Hermes’ bag pabuya ni Jinkee sa makapagpapatunay na nagtataksil si Pacquiao


Mas matibay na raw ngayon ang pagsasama ng mag-asawang Congressman Manny at Jinkee Pacquiao. Nag-alok pa nga si Jinkee ng pabuya sa sinumang makapagpapatunay na nagtataksil sa kanya ang pambansang kamao ng Pilipinas. Sa ulat ni showbiz reporter Lhar Santiago, sinabing ayaw na raw ni Jinkee na ma-stress tulad ng naranasan niya noong dumaan sa pagsubok ang pagsasama nila ni Manny. At ang panlaban umano ni Jinkee... ang magpaganda. Hindi nga niya itinago na nagpa-lipo siya at sumailalim sa beauty treatment ang kanyang mukha. Mas matibay na raw ang pagsasama nila ngayon ni Manny kaya nagtataka si Jinkee sa mga intriga sa may ibang babae ang kanyang mister.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV At ang hamon niya sa mga nagsasabing nagtataksil ang mister: “Kailangan ko ng proof bigay mo sa akin anytime, anywhere… o ‘di ba. Dito lang ako 24/7,’ pahayag ni Jinkee sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Natatawa pang dagdag ni Jinkee: “Pwedeng may reward kapag may proof ka…reward? Hermes gusto niyo." Sinabi rin ni Jinkee na mas mahigpit na rin sa kanya ngayon ang mister at lagi itong tumatawag para itanong kung nasaan siya at sino ang kasama. Maging ang kanyang pananamit ay pinupuna na rin daw ni Manny dahil ayaw daw ng kongresistang-boksingero na magsuot si Jinkee ng mga damit na masyadong “revealing." Katunayan, hindi raw aprub kay Manny ang larawan ni Jinkee na naka-swimsuit na gagamitin sana sa isang ad. “Ito ba dapat, ay naku ‘pag lumabas ‘to magpapasa ako ng bill… lahat ng mga billboard na mga ganyan ‘di na pwede ‘yan," masayang kwento ni Jinkee. – FRJimenez, GMA News