Pres Aquino reacts to Shalani Soledad and Rep Romulo engagement
Kahit tunog âcheesy and corny," nagbigay ng pahayag si Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III sa napabalitang pagpapakasal ng kanyang ex-girlfriend na si Valenzuela Councilor Shalani Soledad kay Pasig Rep. Roman Romulo. Sa pakikipag-kwentuhan ni Aquino sa mga Manila-based reporters na nag-cover sa kanyang official visit sa US, hindi nakaiwas ang pangulo na matanong tungkol sa engagement nina Shalani at Romulo. Sa tanong kung dadalo ba siya sa kasal ni Shalani at Romulo na inaasahang magaganap sa unang bahagi ng 1012, sagot ng pangulo: âPag sinagot ko iyan, parang sinabi kong uy, imbitahan niyo ako. Wala yatang tamang sagot diyan. Siyempre karapatan nilang hindi ba yayain kung sino man ang witness na gusto nila. Pero kapag sumagot naman ako diyan, para bang kapag hindi nila ako inimbita, may galit sa iyo kaya ayaw kang imbitahin. Kapag inimbita naman ako, pupunta ka roon. Sorry, itâs a question that really doesnât have an answer." Wala daw siyang ibang hangad kina Shalani at Romulo kundi maging maligaya at inihalintulad pa niya sa kanyang âGot To Believe in Magic" ang pag-iibigan ng dalawa.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âI know this sounds cheesy and corny, but there is a song I really like, itâs Got To Believe in Magic.â It has a line that asks a question -- âTell me how two people find each other." In their case parang mukhang nahanap na nila ang isaât-isa. Talagang one hopes the state they are in persists throughout their lives," ayon sa 51-anyos na binatang pangulo. Biro pa niya, parang sagot na pang-beauty pageant ang hangad niya para sa dalawa. âPasensiya na kayo talagang sasabihin ko naman doon maganda sana kapag iyong wish them well, (pero) lalabas na parang world peace (lang). But I really meant it in all sincerity," aniya. âUulitin ko, ako hindi ko naman masasabi na naabot ko na ang estado na --tinatanong ko pa rin how two people find each other. Sila they found and one cannot help but really wish them well, that their union becomes strong and that they achieve the fullest potential," pahabol pa ni Aquino. On Shamcey Supsup Nilinaw naman niya na hindi sila masyadong nagkausap ni Miss Universe third runner-up Shamcey Supsup, nang bumisita ito sa Malacanang. Kahit inamin ni Shamcey na mayroon na siyang nobyo, may mga nagbibiro pa rin sa pangulo at kay Shamcey na bagay sila. âNagkuwentuhan kami ng experience niya, sabi ko nakapagpahinga ka na ba? Wala raw pahinga na naka-schedule sa kanya noong nagkita kami ng Sunday at nasa Gen San (General Santos City) siya ng Tuesday, iwe-welcome siya," kwento ni Aquino. âTapos marami na iyung responsibilities niya, pero parang naikuwento niya sa iba na magpo-focus lang siya, gusto niyang ma-practice ang kanyang tinapos sa kolehiyo, ang architecture at hanggang doon na lamang ang pinag-usapan namin," dagdag ng pangulo. - FRJ, GMA News