Filtered By: Showbiz
Showbiz

Manager: Camille Prats, matapang na hinaharap ang pagpanaw ng mister


Naging top trending topic si Camille Prats sa Twitter sa Pilipinas nitong Biyernes dahil sa pagbuhos ng mga pakikiramay sa aktres at mga tanong tungkol sa pagpanaw ng kanyang 32-anyos na mister na si Anthony Linsangan. Kabilang ang mga celebrity sa nagpaabot ng pakikiramay kay Camille sa Twitter ay sina Mikee Jaworski, Jim Peredes, Paolo Paraiso, Luis Manzano, Iya Villania, Bubbles Paraiso, Tim Yap, mag-inang Maxene at Pia Magalona, Ara Mina, at Iza Calzado. “hi cams, tried sending you a message di pumasok, my condolences," ayon kay Luis. “My deepest sympathies to @CamillePrats and her family. Prayers for her husband's soul," mensahe naman ni Iza. Tweet naman ni Maxene: “So sad waking up to devastating news.. RIP Anthony Linsangan. God bless his young soul. We love you, @CamillePrats." May mga tweets din mula sa fans ni Camille ang nakiramay at nanghihinayang sa maagang pagka-biyuda ng pangunahing bida sa hit series ng GMA 7 na Munting Heredera. Si Anthony, 32-anyos, ay binawian ng buhay dakong 8:45 a.m. nitong Biyernes sa Makati Medical Center. Mayroon silang isang anak ni Camille.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Enero 2008 nang ganapin ang civil wedding nina Camille at Anthony sa Los Angeles, California. Marso 2010 naman nang gawin naman ang church wedding sa Santuario de San Antonio sa McKinley Road, Forbes Park, Makati City. Sa ulat ni Aubrey Carampel para sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabing last year pa pinapahirapan si Anthony ng "nasopharyngeal cancer" o tumor sa kanyang lalamunan. Sa isang interview noong Sept 15, matipid ang naging pahayag ni Camille tungkol sa pinagdadaanan ng kanilang pamilya. “It’s a family thing it is something we want keep private na pang pamilya na lang muna but he is okey now," ayon sa aktres. Sinabi naman ng manager ni Camille na si Arnold Vegafria, na sinadya ng pamilya na maging tahimik at gawing pribado ang pagharap nila sa sakit ni Anthony. “Masyadong private yung family ni Anthony so ‘di naman siya showbiz, yung family ni Anthony…more than one year nang nagsa-suffer si Anthony sa cancer niya," dagdag niya. Matapang naman daw na hinaharap ni Camille ang pagsubok na pinagdadaanan sa kanyang buhay. “Accepted niya, matapang naman si Camille. Siyempre nandun pa yung pain, nandun pa yung lungkot. Let’s pray na lang sa soul ni Anthoy at i-pray natin si Camille," pakiusap ni Arnold. Ilalagak ang mga labi ni Anthony sa Heritage Park Chapel sa Taguig City. Humihingi naman ng pang-unawa ang pamilya na maging pribado ang kanilang pagluluksa. - FRJimenez, GMA News

LOADING CONTENT