Filtered By: Topstories
News

Lusot ang babaeng pumatay ng 'abusadong' asawa?


Pananakit at pangangaliwa umano ni mister ang nagtulak sa isang ginang na patayin ang kanyang asawa sa mall. Lusot ba siya sa parusa dahil sa "battered woman syndrome"? Ipinaliwanag ito ng abogado at UP law professor na si Atty. Rowena Guanzon sa "News to Go."
KARA DAVID: Katwiran ng ginang na suspect sa pamamaril sa kanyang asawa sa isang mall, pananakit umano sa kanya ng mister at pangangaliwa umano nito ang nagtulak sa kanya para patayin ang kanyang asawa. Ayon sa isang eksperto sa mga batas tungkol sa karahasan laban sa kababaihan, bunga raw ito ng battered woman syndrome. Kaugnay po nito, makakapanayam natin ang isang women's rights lawyer at professor sa UP College of Law, si Atty. Rowena Guanzon. Good morning, ma'am Atty. ROWENA GUANZON: Good morning, Kara. KARA: Puwede ba talagang ma-justify itong pagpatay ng asawa mo kung kunwari ika'y binubugbog? Atty. GUANZON: Sa batas na tinatawag na Anti-Violence against Women and Their Children Act, ang battered woman syndrome ay justifying circumstance kung mapapatunayan na itong babae ay nagsa-suffer na ng mga tinatawag na pattern of psychological behavioral symptoms... KARA: ...kung paulit-ulit kunwari siyang binubugbog. Atty. GUANZON: Yes, as a result cumulative abuse, ‘yung panay at paulit-ulit over time na pambubugbog. At ang pangangaliwa po ay isang klase ng violence or abuse as marital infidelity under Republic Act 9262. KARA: Paano po iyon maipu-prove? Atty. GUANZON: Mayroon sa batas nakalagay, at sa rules of court, na kailangan mag-present po ng expert witnesses. Puwedeng psychologist, psychiatrist na magpapatunay na siya ay may mga symptoms na ito as a result of cumulative abused. KARA: Pero hindi naman ibig sabihing porke, baka naman kasi lahat ng nangangaliwa, “Ay hindi, nangangaliwa, papatayin ko na ‘to." Atty. GUANZON: Ay hindi naman po. Kailangang mapatunayan nga kung mayroon siyang battered woman syndrome. KARA: Ano po ba ang battered woman syndrome? Atty. GUANZON: Ito ‘yung dine-define sa batas na dapat scientifically defined pattern siya. KARA: Paano po nangyayari 'yun? Atty. GUANZON: Kasi 'yung mga babae na may battered woman syndrome, ito 'yung mga tinatawag na woman in battering relationships 'yung mga asawa nila o 'yung mga kinakasama nila. Ang mga boyfriends nila ay lagi silang sinasaktan, lagi silang minumura, o kaya kinukulong sila. 'Yung ibang babae, kinukulong ng asawa kapag lumalabas ng bahay 'yung asawa tapos 'yung mga anak nila sinasaktan. Philandering, 'yung pangangaliwa, ay isang form ng violence also. So iyan taken together, dagdag nang dagdag, paulit-ulit over time, ay nakakaapekto po talaga ng psychological state of mind ng babae. KARA: Anong nangyayari kapag paulit-ulit kang binubugbog, inaabuso, talagang hahantong na puwede mong patayin 'yung partner mo? Atty. GUANZON: 'Yung iba po ginagawa nila, 'yung mas marami hindi naman. Itong bagong news na ito ay extraordinary, meaning hindi ito nangyayari everyday. Many women just decide to leave or they go to barangay to get a barangay protection order para mahinto ang pambubugbog. At marami ho kasi ay iniiwanan din sila maliban sa pangangaliwa na wala silang suporta. So 'yung support, deprivation of support, 'pag hindi sila binibigyan ng suporta ay isa ring form of violence na 'yon, isa nang crime, isa nang krimen ngayon dito sa RA 9262. KARA: Pero mayroon po bang time limit kumbaga, parang binugbog ka ngayon tapos pinatay mo the next day, o paano kunwari 'yung pang-aabuso happened months before? Atty. GUANZON: In fact, ‘yung battered woman syndrome requires na cumulative abuse so may period of time na para bang nag-add up na. KARA: Parang napuno ka na. Atty. GUANZON: Napuno ka na, oo, patung-patong na kaya it affected the psychological state of mind ng babae, kaya ‘yung kanyang decision-making process ay hindi mo na ma-compare du’n sa babaeng walang gano'ng klaseng problema. KARA: So isa ‘yun sa puwedeng gamiting depensa nitong babaeng ito. Atty. GUANZON: Yes. Under Republic Act 9262, battered woman syndrome is a justifying circumstance. Iba pa 'yung self-defense na sinasabi nilang inagaw niya 'yung baril dahil babarilin siya, iba 'yon. Itong battered woman syndrome, 'pag napatunayan na mayroong battered woman syndrome ay she will be free, but of course she will have to go to court first to prove that. Meaning, hindi na kailangan ng unlawful aggression nu’ng mama kasi 'pag may battered woman syndrome siya, 'yun na 'yung justifying circumstance. KARA: Babae lang ba ang puwedeng maging battered, at makaranas ng battered woman syndrome? Atty. GUANZON: Opo, kasi nasa batas po na Anti-Violence against Women and Their Children Act. Itong batas na ito ay special law to protect women as a group only, hindi po ang mga lalaki. KARA: Pero paano naman, kasi may guwardiyang napatay as a result of this. Atty. GUANZON: Opo. Kamag-anak nga po ng isang librarian namin sa UP College of Law ang namatay. So sa Revised Penal Code naman, kahit hindi intended 'yung ginawa under the first article, I think article 4, even if the unlawful act was not the one intended, eh it resulted in death or injury, liable pa rin po 'yung suspect. Kasi hindi naman po niya sana gustong patayin 'yun. Eh sabi nila naaksidente or nag-agawan sila, liable pa rin po siya under the Revised Penal Code. KARA: Of course, Attorney, ayaw naman nating turuan ang mga babae na kapag nangangaliwa ang mga asawa ninyo eh papatayin n’yo na kasi puwedeng maging justifiable 'to. Pero mayroon po bang mga legal na paraan na puwedeng gawin ng mga babae kapag nangangaliwa ang kanilang mga partner? Atty. GUANZON: Ang pangangaliwa po po ngayon kapag kasal sila, ang tinatawag na infidelity, is now a crime under Republic Act 9262. KARA: Ano pong parusa sa pangangaliwa? Atty. GUANZON: Dito po sa violation ng 9262, mataas po ang parusa diyan sa marital infidelity, ang mga parusa kasi dito... KARA: Puwede kang makulong? Atty. GUANZON: Yes, mataas po talaga. nagsisimula sa six years and one day paakyat. So dati po 'pag may marital infidelity, grounds lang for legal separation diba? Civil action lang 'yon. Ngayon it's a crime under the Anti-VAWC, at isa po ito sa mga grounds na puwedeng humingi ng protection order ang babae. KARA: Sa lahat ng mga nangangaliwa diyan ha, mga Kapuso, puwede na kayong makulong sa pangangaliwa. Atty. GUANZON: Opo. KARA: Six years. Atty. GUANZON: More po. KARA: Six years and more Atty. GUANZON: Ang penalty dito is six years and one day up. So mataas po. KARA: Anong kailangan mong i-prove? Anong kailangan mong ebidensiya? Baka kailangan may video ka na may kasama siyang babae. Atty. GUANZON: Ay hindi po. Kasi noon, wala pa itong RA 9262, kakasuhan lang nila 'yung mga husband nila ng concubinage 'pag nakikisama na po doon sa kinakasama o kaya under scandalous circumstance. KARA: Ano 'yung ground na 'yun para masabi mong nangangaliwa 'yung asawa mo? Atty. GUANZON: Kasi itong marital infidelity, iba naman ang pag-prove nito eh. For example, pumirma po siya sa birth certificate ng anak niya sa labas. Na-prove na 'yun na may marital infedelity siya. KARA: Anim na taong kalaboso na ‘yan? Atty. GUANZON: More, up. So dati kailangan sa concubinage na mahuli mo siya sa akto. KARA: ... na binabahay mo siya. Atty. GUANZON: Na binabahay mo siya o kaya sa akto scandalous, kunwari nagse-sex sila sa mesa, scandalous. So mahirap pang patunayan 'yun diba? Itong marital infidelity under the Anti-VAWC Act, iba naman ang ebidensiyang kailangan mo. KARA: So kapag pumirma siya sa birth certificate ng kanyang anak at ano pa ang puwedeng pruweba? Atty. GUANZON: ‘Yung nakikisama din po siya, 'yung cohabitation. KARA: Kunwari 'yung may litrato ka na nagsasama sila, ganoon? May mga witnesses ka? Atty. GUANZON: O kaya 'yung renta ng list contract ng condominum. Nasa pangalan niya o nasa pangalan ng babae. KARA: Kung ikaw ang nagbabayad ng condominium ng babae. Atty. GUANZON: 'Yung lalaki po. marami namang proof na puwede talaga. Mas madali pong i-prove ang marital infedelity under the Anti-VAWC Act kaysa du’n sa concubinage. KARA: Ano naman po ang maipapayo ninyo, kasi 'yan po ay marital infidelity. Paano naman po ang mga nagmamalupit talaga? Ibig kong sabihin, physical violence. Atty. GUANZON: The same po, dito sa batas na ito, 'yung mga sexual, economic, psychological violence, marital infidelity, verbal abuse, kasama po 'yun. Physical violence ay isa lamang form of violence. Ang mga babae pong na-abuse ay dapat pong kumunsulta na sa kanilang abogado. Kung mayroon po silang kaibigan na mapagtatanungan kung paano sila matutulungan how to go through the crisis and move on with their lives at legal action, humingi po sila ng legal advice at puwede rin po silang pumunta sa barangay. Humingi po sila ng barangay protection order 'pag sila ay sinasaktan physically o may mga threat na nasasaktan sila. KARA: At linawin lang po natin, Attorney, ang abused po na mga kababaihan ay hindi lang physical abuse. Puwede itong verbal abuse, 'yung economic kunwari, pinagkakakitaan ka ng pera, sexual, pati emotional abuse. Atty. GUANZON: Pati ang marital infidelity po. KARA: Puwede mo nang kasuhan kasi mayroon na pong batas to protect women against violence. Atty. GUANZON: Right. KARA: Marami pong salamat, Attorney. Atty. GUANZON: Thank you. – GMA News