Filtered By: Topstories
News

Sri Lanka, balak mag-donate ng baby elephant sa Pinas


Nagbabalak ang Sri Lanka na mag-donate ng isang baby elephant sa Pilipinas na pangangalagaan ng Manila Zoo. Noong 1980 pa nang unang dumating ang kaisa-isang elepante ng Pilipinas na si Vishwamali o Mali kung kaya lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng Manila Zoo para sa posibleng pagkakaroon ng kasama ni Mali.
Samantala, tutol naman ang People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) sa pagdating ng nasabing elepante. Aniya, lubos ang pangamba ng grupo na hindi mapapangalagaan ng zoo ang baby elephant. Siniguro naman ng Manila Zoo na kaya nilang alagaan ang dalawang elepante. — with Amanda Fernandez/LBG, GMA News