Filtered By: Topstories
News

4 na dam sa Luzon nagpakawala ng tubig, ayon sa PAGASA


MANILA – Dahil sa hagupit ng bagyong si “Pedring," nagpakawala ng tubig ang apat na dam sa Luzon nitong Martes ng tanghali. Sa media advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, nitong tanghali ng Martes, sinabing tatlong gate ng Ipo Dam sa Bulacan ang binuksan matapos sa 101.2 meters ang tubig nito, mas mataas sa 100.2-meter spilling level. Apat na gate naman sa Ambuklao Dam sa Benguet ang binuksan para pakawalan din ang sobrang tubig matapos umabot sa 751.63 meters ang antas ng tubig nito. hindi na malayo sa maximum water capacity na 752 meters. Sa Benguet pa rin, apat na gate din ng Binga Dam ang binuksan dahil umabot na sa 572.94 meters ang tubig nito, na hindi na rin kalayuan sa spilling level na 575 meters.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Samantala, tatlong gate naman ang binuksan sa Magat Dam sa Isabela dahil umabot na sa 188.74 meters ang tubig nito. Ang spilling level ng dam ay 193 meters. Hindi pa naman nagpapakawala ng tubig ang Angat Dam sa Bulacan, La Mesa Dam sa Quezon City, San Roque Dam sa Pangasinan, Pantabangan Dam sa Nueva Ecija, at Caliraya Dam sa Laguna. Ngunit batay sa Twitter account ng Flood Forecasting and Warning Section ng PAGASA, umabot na sa 79.73 meters ang tubig sa La Mesa Dam, malapit na sa 80.15-meter na spilling level nito. "It is likely to overflow if the rainfall will continue for the next 12 hours," pahayag ng ahensiya. — GMA News