Filtered By: Showbiz
Showbiz

Libing ng mister ni Camille Prats, itinuloy nitong Martes


Itinuloy nitong Martes ng hapon ang libing ni Anthony Linsangan, ang mister ni Camille Prats na pumanaw dahil sa sakit na cancer noong nakaraang linggo. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes ng gabi, sinabing dakong 3:00 p.m. nang ilabas sa Heritage Park Chapel sa Taguig City ang mga labi ni Anthony para dahil sa kanyang huling hantungan. Naunang iniulat sa GMA News TV's "News To Go" nitong Martes ng umaga na nagdesisyon ang pamilya ni Linsangan na huwag ituloy ang nakatakdang libing ni Anthony sa Cavite na isasagawa dakong 1:00 p.m. (Read: 'Pedring' postpones burial of Camille Prats' husband) Ang desisyon na ipagpaliban ang libing ay bunga ng masamang panahon dala ng hagupit ng bagyong “Pedring.’
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa ulat ni showbiz reporter Lhar Santiago sa Chika Minute, nagpaabot ng pasasalamat si Camille sa lahat ng taong nakiramay sa kanila sa pagpanaw ni Anthony, 32-anyos, dahil sa sakit na cancer noong Biyernes. Nagdesisyon din si Camille na pansamantalang tutuloy sa bahay ng kanyang mga magulang kasama ang kanilang tatlong-taong-gulang na anak. Babalik na rin umano sa kanyang taping si Camille sa Munting Heredera sa Biyernes. – FRJimenez, GMA News

Tags: camilleprats