Filtered By: Showbiz
Showbiz

Glaiza de Castro on rumors linking her to Sid Lucero


Nagsalita na ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro tungkol sa mga balita na romantikong nag-uugnay sa kanya sa batikang aktor na si Sid Lucero. Sa ulat ng Balitanghali sa GMA News TV nitong Miyerkules, inamin ni Glaiza na close sila ni Sid. Katunayan, komportable nga raw siyang katrabaho ang aktor na kasama niya sa hit primetime epicserye na Amaya. Pero maglilinaw niya, sabyang malambing lang daw si Sid sa lahat ng katrabaho nito at mabuting magkaibigan lang sila.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Ganun lang talaga siya (Sid). Kasi si Sid very sweet eh at saka ganun talaga siya sa ta.o Siguro na mami-misinterpret lang dahil matagal ko na rin siyang kilala tapos komprtable na rin kami sa isa’t isa," paliwanag ng aktres. Alam din umano at kilala ni Glaiza ang girlfriend ngayon ni Sid kaya hindi umano dapat bigyan ng ibang interpretasyon ang kanilang pagsasamahan. Masaya naman si Glaiza dahil bukod sa lumabas na ang tunay niyang karakter sa Amaya, ay extended pa ang epicserye hanggang next year. Ilan bagong karakter pa umano ang madadagdag sa serye at kabilang sa mga dapat abangan ay ang karakter na gagampanan ni Aljur Abrenica. – FRJimenez, GMA News