Filtered by: Topstories
News
Negosyanteng Koreano, binaril sa loob ng sasakyan sa San Juan, patay
MANILA — Patay ang isang negosyanteng Korean national matapos siyang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspek sa Ortigas, San Juan City nitong Huwebes ng umaga. Sa Flash Report ng GMA News, nakasakay sa kanyang Ford Expedition ang biktimang si Hur Hyung, 59-anyos, nang pagbabarilin ng dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nasugatan din ang driver ng biktima pero hindi nabanggit ang pangalan nito. Samantala, mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril na naganap sa tapat ng isang coffee shop sa panulukan ng Connecticut Street at Ortigas Avenue. Posible umanong sinubaybayan ng mga suspek ang biktima dahil alam nila ang pupuntahan ng negosyante. Negosyo ang isa sa sinisilip na motibo ng mga awtoridad sa nangyaring krimen. – FRJ, GMA News

Tags: ambush, lenfloressomera
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular