Filtered By: Topstories
News

‘Di tatama sa NCR, CL: Lakas ni ‘Quiel,’ kagaya ni ‘Pedring,’ ayon sa PAGASA


MANILA – Halos magkatulad umano ang lakas ng hangin at bitbit na tubig ng mga bagyong "Quiel" at "Pedring," ayon sa weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes. Sa panayam ng Balitanghali ng GMA News TV, sinabi ni Aldczar Aurelio, weather forecaster PAGASA, na taglay ni "Quiel" ang pinakamalakas na hangin na 140 kph malapit sa gitna, at pagbugso ng hanggang 170 kph. Tinatahak nito ang hilagang bahagi ng Luzon na dinaanan din ng bagyong "Pedring" sa bilis na 22 kph. Nitong umaga ng Biyernes, si Quiel ay namataan sa layong 640 kms silangan ng Tuguegarao City. Bagaman magkatulad ng lakas sina "Quiel" at "Pedring," sinabi ni Aurelio na mas malawak naman ang sakop noon ni "Pedring" na umabot ang diameter sa 650 kilometers kumpara sa 400 kilometers ni "Quiel."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Idinagdag ni Aurelio na hindi dadaan si "Quiel" sa Metro Manila at Central Luzon. Inaasahang magla-land fall si "Quiel" sa Sabado ng hapon sa Isabela/Cagayan area. (4:00 p.m. PAGASA update) Under Storm Signal No. 3: - Cagayan - Isabela Under Storm Signal No. 2: - Northern Aurora - Quirino - Ifugao - Mountain Province - Kalinga - Apayao - Calayan Islands - Babuyan Islands Under Storm Signal No. 1: - rest of Aurora - Nueva Vizcaya - Pangasinan - Benguet - La Union - Ilocos Norte - Ilocos Sur - Abra Mahigpit naman ang bilin ni Aurelio sa mga residente sa mga lugar na nakataas ang storm signal na maging alerto sa flash flood, landslide at storm surge. Idinadag ni Aurelio na walang pang panibagong low pressure area na namataan sa linggong ito. Sakaling magkaroon ng panibagong bagyo, tatawagin na itong "Ramon." – FRJ, GMA News