Filtered by: Topstories
News

24 Pinoy seafarers na nakaligtas sa mga pirata, nakabalik na ng Pilipinas


MANILA – Nakauwi na sa bansa nitong Huwebes ang may 24 tripulanteng Pinoy na nakaligtas sa pag-atake ng mga pirata sa sinasakyan nilang barko sa karagatang sakop ng Kenya, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). Ayon sa pahayag na ipinalabas ng DFA, sinabing nakarating na sa Ninoy Aquino International Airport ang 24 marino mula sa Mombasa, Kenya. "A Filipino seafarer stayed behind in Mombasa to assess the pirate-inflicted damage suffered by the vessel, as well as to conduct a property inventory," ayon sa DFA. Sakay ng Cyprus-flagged container vessel ang mga tripulanteng Pinoy at isang Ukrainian nang salakayin sila ng mga pirata noong Setyembre 20, na naganap 180 nautical miles east-southeast ng Mombasa, Kenya Pero hindi naagaw ng mga pirata ang kontrol sa naturang barko na MV Pacific Express, at napilitan silang iabandona ito nang dumating ang mga navy vessel. "The pirates abandoned the vessel and its 26 [crew] upon the arrival of the navy vessel. However, the pirates set fire to the vessel and burned items including the crew's belongings before leaving the ship," ayon sa pahayag ng DFA sa kanilang website. Tinulungan na ng Philippine Embassy ng Nairobi ang mga Pinoy seafarers sa kanilang travel documents tulad ng passport at seamen’s books na kasamang sinunog ng mga pirata. Ayon sa DFA, mahigit 32 Filipino seafarers na ang nabihag ng mga pirata sa Gulf of Aden. Sinalubong nina DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers' Affairs (OUMWA) Special Assistant Atty. Enrico Fos, DFA-OUMWA Legal Officer Emily Descallar at mga kinatawan mula DFA at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga marino pagdating nila sa Maynila nitong Biyernes. - AF/FRJ, GMA News
Tags: seafarers, seamen
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
LOADING CONTENT