Filtered By: Showbiz
Showbiz

After Nora Aunor: Anne Curtis smoking photo attacked as bad example


Matapos batikusin ang larawan ni Nora Aunor na may hawak na sigarilyo, ang cover photo naman ni Anne Curtis sa isa ring magazine cover ang pinuna ng Philippine Medical Association. Gaya ng litrato ni Ate Guy na naging cover ng Yes! Magazine, may hawak ding sigarilyo si Anne sa larawan na naging pabalat ng Rogue magazine para sa kanilang October issue. Sa ulat ni showbiz reporter Aubrey Carampel nitong Biyernes, inireklamo na hindi maganda ang naturang larawan ng mga artista ngayong panahon na pinaiigting ang kampanya kontra sa nakamamatay na bisyo. “Gusto talaga namin na magkaroon ng smoke free Philippines. Kung pwede po sana iwasan na magpakita ng mga ganyang picture lalo na yuing mga models natin mga actors, actress," paliwanag sa Chika Minute sa GMA news 24 Oras ni Dra Elizabeth Ifurung-Gonzales, presidente ng Makati Medical Society.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Tinitingala sila, iniidolo sila ng mga tao specially ng mga bata and ang dating niyan kasi smoking is good, smoking is cool, which is not," dagdag ng duktora. Bagaman nauunawaan daw ni Gonzales ang freedom of expression, ibang usapan naman daw kung buhay ng tao ang pinag-uusapan. “Meron kang freedom of expression pero kung life na ng tao ang nakasasalay…kung ikaw yung tao ‘pag inidolo mo ay maganda pala ‘to so, gagaya eh lalo na yung mga bata, wala pa silang ganung thinking na art lang ito," paliwanag niya. Sinubukan ng GMA News na kunan ng reaksiyon ang Rogue Magazine pero wala pa itong tugon. Maging si Anne at ang Viva Artist agency na humahawak sa career ng aktres ay wala pang reaksiyon sa pahayag ni Gonzales. Kasalukuyang nasa Bangkok ang aktres para sa commercial shoot. Nauna nang idinepensa ng Yes! Magazine at ni German “Kuya Germs" Moreno si Nora, sa mga naging puna sa lawaran niya. Samantala, sa ulat naman ng Philippine Entertainment Portal o PEP.ph, sinabi ni Nora na: "Dati ko nang ginagawa yun. Bakit ngayon lang nila pinansin?" – FRJimenez, GMA News

LOADING CONTENT