Filtered by: Topstories
News

Senador: Materyales sa mga imprastraktura dapat climate change proof


Ipinapanukala ng isang senador ang paggamit ng mga materyales na climate-change proof sa pagpapatayo muli ng mga imprastrukturang nawasak ng Bagyong Pedring at Quiel. Inatasan ni Senator Ramon “Bong" Revilla Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na gumamit ng makabagong paraan sa pagpapatayo muli ng mga nasirang imprastruktura, gaya ng flood control facilities upang makipagsabayan sa mapinsalang epekto ng climate change. Aniya, “Nagbigay na ng direktiba ang liderato ng DPWH sa lahat ng regional directors at district engineers na iprayoridad ang paggamit ng mga produkto at teknolohiyang makakakabawas sa nakakapinsalang epekto ng Climate Change sa lahat ng proyekto nito." Ginawang halimbawa ni Revilla, chairman of Senate committee on public works, ang pagkasira ng seawall sa Manila Bay noong kasagsagan ng Bagyong Pedring at pati na rin ang pagbabaha sa ilang mga lugar. Dagdag pa niya, “Nararanasan na natin ang mga negatibong epekto ng climate change. Dapat isama natin sa ating mitigation plan ang pagtatayo ng mga climate-change-proof infrastructures. Babawasan nito hindi lang ang pagkawasak ng mga ariarian kundi pati na rin ang bilang ng mga casualty." — with Amanda Fernandez/LBG, GMA News

Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics