Filtered by: Topstories
News

Mga guro at mag-aaral, tuloy ang protesta vs budget cuts sa SUCs


Matapos ang dalawang bagyong nagdaan, pinagpatuloy ng ilang mga guro at mag-aaral ng mga pampublikong paaralan ang pagprotesta laban sa pagtapyas ng pondo ng State Universities and Colleges (SUCs). Ayon sa ulat ni dzBB reporter Denver Trinidad, pinamunuan ng grupong Anakbayan ang isinagawang pagkilos nitong Martes at Miyerkules.

Pahayag ni Anakbayan national chairperson Vencer Crisostomo, para na ring binagyo ang SUCs kung hindi pakikinggan ang kanilang panawagan na dagdagan ang pondo ng edukasyon. Samantala, nagtipon naman ang grupong Teacher's Dignity Coalition sa Monumento, Caloocan nitong 11 a.m. ng Miyerkules kung saan sabay-sabay silang nag-martsa patungong Senado upang igiit ang kanilang kahilingang karagdagang benepisyo para sa mga guro ng mga pampubolikong paaralan — AF/RSJ, GMA News
LOADING CONTENT