Filtered By: Topstories
News

Umahon sa kanyang hukay: Ni-rape na bata, inilibing ng buhay ng suspek


KIDAPAWAN CITY — Himalang nabuhay ang isang 10-taong-gulang na babae, na hinalay ng sariling pinsan at pagkatapos ay inilibing ng buhay sa isang mababaw na hukay sa malayong barangay sa bayan ng Magpet, North Cotabato. Batay sa sumbong sa pulisya ng ama ng bata na itinago sa pangalang “Myla," kinaladkad ng 21-anyos na suspek na si Dennis Quilaton ang biktima sa isang bakanteng lote noong Linggo na hindi kalayuan sa kanilang bahay at saka ginahasa. Nagpupumiglas umano ang biktima pero wala itong nagawa sa patuloy na panununtok ng suspek. Nang magawa ang kahalayan sa batang pinsan, binagsakan umano ni Quilaton ng matigas na bagay sa ulo ang biktima na dahilan para mawalan ito ng malay.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa pag-aakalang patay na ang biktima, gumawa ito ng mababaw na hukay at inilibing ang kanyang pinsan at saka tinakpan ng dahon ng saging. Ngunit hindi nagtagal, nagkamalay ang biktima ay nagawang makahingi ng saklolo sa mga kapit-bahay. Dahil sa pagtugis ng komunidad at mga awtoridad, napilitang sumuko si Quilaton sa isang kamag-anak noong Martes. Sinabi ng ama ng biktima na dapat makulong at hindi niya mapapatawad ang suspek sa ginawa sa kanyang anak. – GMA News