Filtered By: Showbiz
Showbiz

TugsTugan Na!: Barangay LS FM 97.1, mas pinasaya, mas pinaingay!


Ngayong Linggo, October 9, gagawa ng panibagong ingay ang flagship FM station ng GMA Network, Barangay LS 97.1, sa paglulunsad ng ikalawang yugto ng kampanyang TugsTugan Na! Simula nang umere mula sa isang makeshift studio sa Maynila noong 1955 ang kauna-unahang pop music station sa bansa, naging sentro na ito ng tugtugan – mula OPM, pop, disco, rock, ballad, at iba pa, pati katatawanan, mga payo tungkol sa buhay pag-ibig, infotainment at iba pang listening pleasures. “Given the spike LS charted on the ratings board, we foresee a stronger station performance that will cater and extend to all people across age groups and eco-classes," ayon kay Glenn Allona, program director ng Barangay LS. Matutunghayan ang mga ‘crazy fun’ programs sa paghahatid ng Barangay LS ng ‘non-stop na tugtugan, non-stop pa sa tawanan,’ 24 hours a day, seven days a week. Sina Papa Jepoy, Papa Bodjie, at Mama Cy, mapapakinggan sa Potpot and Friends, Mondays to Fridays, 5am-8am at Saturdays, 5am-7am. Puno ang programang ito ng explosive on-air interaction sa mga tagapakinig, at walang humpay na pagpapakinig ng mga all-hit na kantahan.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sina Papa Dudut, Ate Liza at Chikotita ng Balita Sa Barangay, Mondays to Fridays, 8am-11am at Saturdays, 7am-9am, ay palaging may handang human interest stories at showbiz scoopers. Kasama rin sa line-up ang mga mellow at upbeat na tugtugan. Sina Papa Tolits, Mama Belle, at Papa Baldo, naman ang bibida sa Kuwentong Barangay, Mondays to Fridays, 11am-1pm. Hatid nila ang matalas na pagpapatawa, spoofs, at mga funny text messages mula sa mga tagapakinig.
Samantala, ang Talk to Papa nina Papa Kiko at Papa Obet, Mondays to Fridays, 1pm-3pm at Saturdays, 12nn-3pm, ang all-time go-to talk program ng mga Kapusong may dinadalang problema. Ito ang instant ‘kaibigan’ para sa sinuman. Sa Three Play, Mondays to Saturdays, 3pm-9pm, kasama sina Papa Tolits, Mama Belle at Papa Baldo, hatid ang walang-patid na tugtugan – mapa-Pinoy rock, rap, hiphop, R&B at K-pop. Sa Wanted Sweetheart ni Papa Dan, Mondays to Fridays, 9pm-12mn, handog ang kakaibang approach sa on-air matchmaking. Hatid ng programa ang nakalilibang at madalas ay maingay na pagtalakay sa ligawang Pinoy. Ang Barangay Love Stories, Barangay Love Songs at The Big 10 ay mapakikinggan tuwing weekends at weekday, ay fares sa music at entertainment hub ng Mega Manila sa FM, Barangay LS 97.1. Sa ikalawang yugto na kampanyang TugsTugan Na!, tampok ang Kapuso tween actor na si Jake Vargas sa isang TV commercial na puno ng kakaibang saya. Makakasama n’ya sina Bea Binene, Kylie Padilla, Sarah Lahbati, Ken Chan at Boobai sa pagpapaigting ng ugnayan ng istasyon at mga tagapakinig. Matutunghayan ang TVC para sa second wave ng Barangay LS TugStugan Na! campaign ngayong Linggo, October 9 sa Party Pilipinas, dito lang sa GMA-7. - FRJimenez, GMA News
Tags: lsfm, barangayls