Filtered By: Topstories
News

Int'l flights ng PAL, bumalik na sa normal


Bumalik na sa normal ang international flights ng flag carrier Philippine Airlines (PAL) matapos ang ilang linggong kaguluhang dulot sa pagwewelga ng ground crew union nito. Patuloy pa rin ang pagpupursigi ng kumpanya upang maibalik sa normal ang operasyon ng domestic flights, ayon sa pahayag ng PAL sa Twitter. Kasabay naman sa panunumbalik ng international flights, ipinahayag din ng PAL ang pagkakaroon ng "midnight specials" na promo offer. "We bring you #MidnightSpecial as PAL resumes normal regional/international flight operations," ayon sa pahayag. Ngunit nitong 8 a.m., error message lamang ang lumalabas sa URL (uniform resource locator) link na nakasaad sa Twitter ng PAL. Napilitang ibahin ng PAL ang mga flight schedule kasabay sa pagwewelga ng groun crew nito noong ika-27 Setyembre. Kinuwestyon ng PAL Employee's Association ang desisyon ng manaement sa pag-spinoff sa tatlong non-core businesses nito na, ayon sa PALEA, maka-aapekto sa 2,600 na miyembro ng unyon. — Amanda Fernandez/LBG, GMA News