Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Hotel para sa mga aso, binuksan sa Davao City


Binuksan kamakailan ang kakaibang hotel sa isang subdivision sa Bangkal, Davao City, kung saan imbes na tao, mga aso ang bida. Ayon kay Bimbo Solis sa isang panayam sa Balita Pilipinas naisipan niyang magtayo ng isang hotel para sa mga dog lover na kulang ang oras upang tutukan ang kanilang mga alagang aso.
Aniya, nakuha niya ang ideyang ito mula sa mga hotel sa Estados Unidos na para rin mga alagang hayop. "Ang pagkuha ko nito, pag-visualize ko... Sa America kasi, karamihan sa mga tao, walang panahon sa kanilang mga aso. Iniiwan lang nila sa mga hotel para paalagaan," ayon kay Solis. Lubos na matutuwa umano ang mga aso sa hotel na ito lalo na sa playground kung saan maaaring makagalaw sila ng libre, ayon kay Solis. Dagdag pa nito, mayroon ding iba't ibang klaseng serbisyo rito para sa mga alaga. "Mayroon tayong medical grooming, iba't ibang klaseng grooming," aniya. Tinitiyak ni Bimbo, bagamat 5-star umano ang kanyang hotel, kayang-kaya naman ang kanilang mga presyo. — Amanda Fernandez/LBG, GMA News

LOADING CONTENT