Filtered By: Topstories
News

Communist spokesman Ka Roger Rosal, pumanaw na


Pumanaw na ang tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Gregorio 'Ka Roger' Rosal noong June 22 dahil sa heart attack, ayon sa pahayag ng CPP nitong Linggo. "The Communist Party of the Philippines (CPP) wishes to inform its entire membership, all revolutionary forces and the public in general that CPP spokesperson Gregorio 'Ka Roger' Rosal passed away in a guerrilla zone on June 22 after suffering a heart attack. He was 64," ayon sa pahayag. Nagkaroon ng antala sa pag-anunsyo sa publiko sa pagkamatay ng tagapagsalita sapagkat nais ng mga miyembro ng CPP na kausapin muna ang mga anak ng pumanaw. "Intense military operations prevented information from reaching his daughters with dispatch. Ka Roger's siblings have also been informed of his passing," dagdag nito. Nakilala si Rosal sa mga taong 1980's at 1990's matapos niya pamunuan ang ilang pag-atake sa gobyerno sa Southern Tagalog region. Ngunit sa mga nakaraang taon, nawala na siya sa sirkulasyon dahil, ayon sa hindi pa kumpirmadong ulat, nagkaroon siya ng stroke. Inspirasyon Kinilala ng CPP si Rosal bilang isang inspirasyon upang maging matapang sa pagharap ng kanilang paghihimagsik. Magsasagawa ng gun salute ang armed wing ng CPP na New People's Army sa darating na Sabado ng tanghali upang bigyang pugay ang namayapa nilang kasamahan. "All units of the CPP and revolutionary mass organizations are enjoined to launch tribute meetings to remember Ka Roger and his contributions to the historic revolutionary struggles of the Filipino people," aniya. Isinilang si Rosal noong Abril 19, 1947 sa Barangay Talaibon, Ibaan, Batangas. Siya ang pangatlo sa anim na magkakapatid na sina Nicetas, Bernardo, Felecidad, Emilia at si Remedios na pumanaw na rin. Parehong magsasaka ng sugarcane ang kanyang mga magulang na sina Pablo Rosal at Crispina Crusa. Noong nakaraang taon pang pinaghihinalaan ng militar na pumanaw na si Rosal dahil sa hindi niya pagiging aktibo. Ngunit napatunayan ang pagkakamali nila matapos magpadala ng mensahe nitong Enero 1 ang tagapagsalita na naghihikayat sa mga rebolusyunaryo na maging matagumpay sa bawat laban. AFP, nakikiramay Nakiramay naman ang Armed Forces of the Philippines sa pamilya ni Rosal. Inaasahan din nila na ang pagpanaw ni Rosal ang magiging daan para aniya, "provide opportunities for enlightenment to some of our misguided brothers and sisters who continue to resort to armed struggle as a means to achieve their interests." Pinahayag naman ni Armed Forces public affairs office chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos na kanilang inalukan si Rosal ng medical treatment kapag magbalik loob siya sa gobyerno. "It can be recalled that when the information about the lingering illness of Mr. Rosal reached the AFP, the leadership of the AFP thru Commander, Southern Luzon Command, LTGEN Detabali immediately offered medical treatment upon his return to govt fold," ani Burgos. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News