Cash-for-work para sa mga biktima ng bagyo, pinapanukala ng DSWD
Sinisimulan na ng Department of Social Welfare and Development ang pagpapanukala ng programang cash-for-work o food-for-work para sa mga pamilyang nabiktima ng mga bagyong 'Pedring' (nesat) at 'Quiel' (Nalgae). Ipapanukala ang programang ito sa regional offices ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Metro Manila, at Cordillera, ayon sa news release ng DSWD. Sa programang ito, upang mabigyan ng pera o pagkain, kinakailangan lamang gumawa ng ilang community projects tulad ng pagtatayo muli ng mga napinsalang bahay, pagsasa-ayos ng community facilities, clean-up at garbage collection. "Those still staying in evacuation centers may get cash or food in exchange for maintaining cleanliness in the premises," ani DSWD. Nitong Lunes ng 6 a.m., nabigyan na ng mahigit P66.67 milyon ang mga apektadong lokal na gobyerno, kabilang na ang P34.16 milyon para sa Central Luzon, kung saan lubos na tumama ang bagyo. Ayon sa DSWD, mahigit 32 na bayan ang apektdado sa Central Luzon, kabilang na ang: