Filtered by: Topstories
News

Information drive ng MMDA sa pagtatalaga ng motorcycle lanes


Pinaghahandaan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapanukala ng motorcycle lanes sa Quezon City at Pasay City sa darating na Oktubre 17, ayon sa ulat ni Jay Sabale para sa "News to Go" ng GMA News TV. Sinimulan na ng MMDA ang dry run at information drive nito para sa bagong patakarang itatalaga na sa darating na Lunes kung saan nalagyan na ng traffic at warning signs sa Commonwealth Avenue at Macapagal Avenue.

Itinalagang motorcycle lane ang pang-apat na lane sa Commonwealth Avenue habang sa Macapagal Avenue naman sa Pasay, ginawang motorcycle lane ang pinakakanang lane. Hindi exempted sa 60 kilometers per hour limit ang mga motor. Kasalakuyang pinag-aaralan pa ng MMDA kung magkano ang magiging fine sa paglabag sa motorcycle lane rule. Sisimulan na ang pag-isyu ng tickets ng mga lalabag sa darating na Oktubre 17. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
More Videos
LOADING CONTENT