Filtered by: Topstories
News
Iringan sa SC, hindi mauuwi sa constitutional crisis, ayon kay Valte
MANILA – Naniniwala ang tagapagsalita ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III na hindi mauuwi sa constitutional crisis ang sigalot ng Malacanang at Korte Suprema. Ang pahayag ay ginawa ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte nitong Sabado, bunga na rin ng mungkahi ng isang kongresista na magpatawag ang Malacanang ng Judicial Executive Legislative Advisory and Consultative Council (JELAC), para maiwasan ang constitutional crisis. Sa panayam ng isang himpilan ng radyo, sinabi ni Valte na walang nakikitang indikasyon ang Palasyo na mauuwi sa constitutional crisis ang sagutan ng ilang opisyal ng Malacanang at Korte Suprema. “I think we don’t see any impending constitutional crisis... all parties recognize the others were reacting on the basis of something; kumbaga may basehan ang pinanggagalingan ng mga sentimyentong ito," paliwanag ng tagapagsalita sa panayam ng dzRB radio. Dahil dito, sinabi ni Valte na walang dahilan para ipatawag ang JELAC gaya ng mungkahi ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone. Ang JELAC ay itinatag noong panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kongresista na ngayon ng Pampanga. Ayon kay Valte, kung ang magiging pakay lamang ng JELAC ay talakayin ang pangamba na maipit ang P4.97 bilyong pondo ng hudikatura, sinabi ng tagapagsalita na naresolba na ito. “I think there would be nothing wrong except if it is to be mainly called for the issue of the budget... there’s no need to talk about it, that’s already a done deal," aniya. Una rito, plano ng Malacañang na “ipitan" ang P4.97 bilyong pondo ng hudikatura na nakalaan sa mga bakante pang posisyon. Ngunit inangalan ito ng SC dahil panghihimasok umano ito sa kanilang kalayaan bilang “co-equal" branch ng pamahalaan. Sa naunang panayam, sinabi ni Secretary Florencio Abad ng Department of Budget and Management (DBM), na hindi ipalalabas ang naturang pondo hanggang ito napupunan ang mga bakanteng posisyon. Bukod sa usapin ng pondo, hindi rin nagustuhan ni Chief Justice Renato Corona ang mga pagbatikos sa naging desisyon ng mga mahistrodo tungkol sa dinidinig na kaso na may kinalaman sa Philippine Airlines at mga dating kawani ng kumpanya. (Basahin: Corona: Aquino admin trying to ‘destroy’ judiciary) Tungkol sa deklarasyon ni Corona na patuloy niyang ipaglalaban ang katarunga, tugon ni Valte: “We understand that... in the same way the executive will continue to fight for our independence and the policies and programs that the president is implementing and we will continue to implement." - GMA News
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular