Filtered By: Topstories
News

Desisyon ni PNoy sa ARMM, ipagpapaliban muna


Sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na constitutional na ipagpaliban ang eleksyon ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) upang isabay sa national elections sa 2013, kinakailangan pa munang maghintay si Pangulong Benigno Aquino III bago siya maghirang ang mga panibagong officer-in-charge na papalit sa mga elected official. Ayon sa Korte Suprema, hindi pa pinal ang pagbibigay ng awtoridad sa Pangulo na maghirang ng mga OIC sa ARMM. Ipinahiwatig naman ni House Minority Leader Edcel Lagman Jr. ang kanyang pagnanais na maghain ng motion for reconsideration. “That was a close vote. A motion for reconsideration is warranted," pahayag ni Lagman sa kanyang text message sa press. Sa botong 8-7, sinang-ayunan ng hukom ang Republic Act (RA) No. 10153 -- ang batas na nagpapaliban sa eleksyon ng ARMM sa 2013. Naghain si Lagman sa korte ng petisyon upang gawing "unconstitutional and invalid" ang pagliban ng eleksyon ng ARMM. Ayon naman kay Supreme Court spokesman Atty. Midas Marquez, kasalakuyan pang isinusulat ni Associate Justice Arturo Brion ang opinyon ng mayorya na kanilang ihahayag ngayong Miyerkules. Maliban kay Biron, ang mga kasama sa boto ng mayorya ay sina Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta, Martin Villarama, Jose Catral Mendoza, Mariano Del Castillo, Bienvenido Reyes at Estela Perla-Bernabe. "Upon the finality of this decision, the President may appoint OICs... As we all know, all parties can still file a motion for reconsideration upon notice within 15 days," aniya. Justices in the minority "The majority believes it is within the power of Congress to postpone the elections and within the power of Congress to authorize the President to appoint officers-in-charge," ayon kay Court Administrator Marquez sa briefing nitong Martes. Ayon kay Lagman, nakasaad sa Organic Act of ARMM o Republic Act No. 9054, hindi na kinakailangang maghirang ng mga panibagong OIC sapagkat maaari namang manatili ang mga kasalakuyang nanunungkulan sa mga posisyon nila hanggang sumapit ang 2013 elections. Pinaniniwalaan naman ng mga minorya na sina Justices Antonio Carpio, Jose Perez at Ma. Lourdes Sereno, na ang batas ay "partly constitutional and partly unconstitutional," pahayag ng SC administrator. "It is constitutional in the sense that RA 10153 can be synchronized but it is unconstitutional in the sense that only the OIC for the office of the governor may be appointed by the President," ayon kay Marquez. Para naman kay Chief Justice Renato Corona, Justices Presbitero Velasco Jr., Teresita Leonardo-De Castro, at Roberto Abad, ang paghirang ng mga OICs ay unconstitutional. Naniniwala naman si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, pinuno ng komite na pipili sa mga OIC ng ARMM, na magiging paraan ito upang magkaroon ng reporma sa rehiyon. “The ultimate winner will be the people of ARMM who will benefit from reform initiatives to be implemented very soon in the region," kanyang pahayag nitong Martes. "Nakahanda na ang recommendation. Ito ang pagpipilian at isusumite na," ayon kay Robredo sa press conference na ginawa noong October 7. Tumanggi naman si Robredo na pangalanan ang mga nasa shortlist na kabilang sa mga pagpipilian na maging OIC na kanilang ibibigay kay Aquino. Palace, Comelec welcome ruling Ipinaliwanag ni Aquino na ang pag-urong ng ARMM polls sa 2013 mid-term elections ay bahagi ng kanilang hakbang para wakasan umano ang: " vicious cycle of abnormal elections where the mandate of the people is subverted by means of the command vote wielded by local political families." "We believe that if local political families must attend to their election at the same time that national elections are being conducted, they will be less able to utilize command votes in favor of political patrons to subvert the national will," aniya. Ayon sa Pangulo, ang paghirang umano ng OIC ay "in consultation with stakeholders." "The nation can rest assured that these OICs will be people of integrity and competence — who will spend their days in office pursuing genuine reform and development," dagdag niya. Inihayag din ni Aquino ang mga problema sa ARMM katulad ng impunity, korupsiyon, at kahirapan na nagpapalubha sa kahirapan sa rehiyon. "The Supreme Court decision gives us a great opportunity to correct these long-standing problems. It is an opportunity that we will not squander," aniya. P2 billion in savings Ayon naman sa Comelec, maaaring makatipid ng mahigit P2 bilyon ang paglilipat ng eleksyon ng ARMM sa 2013 na eleksyon. "The Comelec welcomes the decision of the Supreme Court on the constitutionality of RA 10153. It will also allow the Commission to sharpen its focus on the preparations for the automation of the upcoming midterm elections," ayon kay Comelec spokesman James Jimenez. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News