Filtered by: Topstories
News

Huling nawawalang sundalo sa labanan sa Basilan, nailigtas


Natagpuang buhay ang huling nawawalang sundalo sa labanang naganap nitong Martes sa pagitan ng militar at ng mga rebelde sa bayan ng Al-Barka sa Basilan, ayon sa commanding general ng Philippine Army nitong Huwebes. Ayon kay Lt. Gen. Arturo Ortiz, dinala na ang nailigtas na sundalo na si Private First Class Michael Natividad sa Sitio Bohe sa Al-Barka upang maisama sa iba pang mga sugatan. Sa hiwalay naman na ulat ni Benjie Liwanag Jr. para sa radio dzBB, natagpuan umano si Natividad malapit sa Al-Barka, kung saan naganap ang labanan. Dadalhin na umano ang sugatang si Natividad sa Zamboanga City upang ipagamot, ayon a naunang ulat ni Army spokesman Col. Antonio Parlade Jr. Dagdag pa niya, natagpuan umano si Natividad sa isang swamp na kung saan maaari niya dinaanan upang makatakas. Mahigit 19 na sundalo, kabilang na ang apat na opisyal, ang napatay sa bakbakan sa Basilan nitong Martes. Natagpuan na umano ang kabuuang 49 na sundalong napabilang sa bakbakan, kabilang na ang mga napatay, ayon sa ulat ni GMA New's Raffy Tima nitong Huwebes para sa "News To Go" ng GMA News TV. Iginiit naman ng MILF na naganap lamang ang labanan matapos manghimasok umano ang mga sundalo sa kanilang teritoryo. Sa kabila ng naganap, patuloy pa rin ang paghahanda ng administrasyong Aquino sa susunod na peace talks nito sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa darating na Nobyembre, ayon kay presidential peace process adviser Teresita Deles. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News

Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
LOADING CONTENT