Filtered By: Topstories
News

Pacquiao, bumili ng Ferrari bilang pamasko sa sarili


Niregaluhan ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kanyang sarili ng isang mamahaling sports car ilang linggo bago ang kanyang laban kay Juan Manuel Marquez sa Estados Unidos. Ayon sa ulat ng Balitanghali, matapos ang kanyang page-ensayo nitong Sabado, agad nag-test drive si Manny ng kanyang bagong Ferrari 458 Italia. Umaabot umano sa halagang $309,000 o P13 million ang Ferrari 458 Italia na ito na pamasko raw ni Pacquiao sa kanyang sarili, ayon sa ulat.


Dagdag ang Italian sports car na ito sa koleksyon ng mga kotse ni Pacquiao na high-end tulad ng Porsche, Lincoln Navigator, Escalade, Mercedez Benz at iba pang mga SUV, ayon sa ulat ng Digital Journal. Haharapin muli ni Pacquiao si Marquez sa isang laban sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, sa darating na Nobyembre 12. - Amanda Fernandez/KBK, GMA News