Filtered By: Topstories
News

PNoy at mga kapatid, binisita ang puntod ng magulang


Binisita ni Pangulong Benigno Aquino III at ng kanyang mga kapatid ang puntod ng kanilang mga magulang sa Manila Memorial Park sa Parañaque City nitong Lunes ng hapon. Isang oras lamang nanatili ang magkakapatid na Aquino, na dumating sa sementeryo bandang 2 p.m. Idinaos ang isang misa para kay dating Pangulong Corazon Aquino at asawang si Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr., na sinundan ng pagdarasal ng rosaryo. Sinamahan ang magkapatid na Ballsy, Viel at Pinky ng kanilang mga asawa at anak. Kasama naman ng television host na si Kris Aquino ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby. Hindi pinahintulutan ang media na lumapit sa mga puntod, na nilagyan ng mga dilaw at puting bulaklak, upang mabigyan ng panahon ang magkakapatid ng privacy. Nauna nang inanunsyo ng Malacañang na maagang bibisita ang magkakapatid sa puntod ng kanilang mga magulang upang maiwasan ang dagsa ng mga tao. - Amanda Fernandez/KBK, GMA News