Filtered By: Topstories
News

Walang saplot pang-ibaba: Kolehiyala, natagpuang patay sa Bicol


Wala pang isang buwan ang nakararaan nang maganap ang karumal-dumal na pagpatay at panghahalay sa isang kolehiya sa Laguna, isa na namang mag-aaral sa kolehiyo sa Albay ang natagpuang patay at hinihinalang inabuso. Sa panayam ng dzBB radio nitong Huwebes, sinabi ni Albay police chief Senior Superintendent William Macavinta, na ang biktima ay 19-anyos, at nag-aaral sa Bicol University sa Legazpi City. "Parang pinalo siya sa mukha para di makasigaw. Nawalan siya ng malay. Parang inabangan doon at ang lugar na pinangyarihan [ay sa] may kawayanan," ayon kay Macavinta. Hindi binanggit ni Macavinta ang pangalan ng biktima pero sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules ng gabi, kinilala ang estudyante na si Laesybil Almonacid.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nakita umano ang bangkay ni Almonacis sa kawayanan na malapit lamang sa kanilang bahay sa Daraga, Albay. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 6:00 p.m. nang nagpaalam ang biktima sa kanyang lola noong Martes na magtutungo sa bahay ng kanyang tiyahin. Pero nag-alala raw ang lola nito nang hindi umuwi ang biktima pagsapit ng 9:00 p.m. Ayon kay Macavinta, ang stepfather ni Almonacis ang nakakita sa bangkay ng biktima noong Miyerkules ng umaga. "Ang investigation natin nakababa ang underwear... half-naked na siya," kwento ng opisyal. Sa ngayon, hihintay pa umano ng pulisya ang resulta ng awtopsiya sa biktima para makumpirma kung ginahasa nga si Almonacid. Lahat ng posibleng anggulo sa krimen ay tinitingnan ng mga imbestigador. Noong nakaraang buwan, nakita sa Laguna ang mga labi ni Given Grace Cebanico na nakaposas sa madamong lugar na hindi kalayuan sa pinapasukan niya sa University of the Philippines sa Los Baños, Laguna. Dalawang suspek ang nadakip sa pagpatay at panghahalay kay Cebanico— FRJ, GMA News