Filtered by: Topstories
News
Ramona Bautista, wala raw ipinakitang tiket pabalik ng bansa
MANILA – Walang ipinapalabas na hold departure order (HDO) laban kay Ramona Bautista kaya hindi ito maaaring pigilan na lumabas ng bansa. Ito ang ipinaliwanag ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr., nitong Sabado matapos mapabalita na lumipad patungong Hong Kong nitong Biyernes ng gabi si Ramona, 21-anyos. Si Ramona – kasama ang kapatid na si Ramon Joseph (RJ) – ay idinadawit ng Paranaque police sa pagpatay sa kanilang nakatatandang kapatid na si Ram Revilla. Si Ram ay binaril at sinaksak sa kanilang bahay sa Paranaque noong nakaraang linggo. Sugatan din ang kasintahan nitong si Janelle Manahan. “Pending the issuance of a hold departure order or a watchlist order, we have no authority to prevent her from leaving the country," paliwanag ni David. Ito umano ang dahilan kaya walang nagawa ang mga immigration officers sa Ninoy Aquino International airport kundi payagang bumiyahe si Ramona patungong Hong Kong sakay ng Cathay Pacific CX902 dakong 8:20 p.m.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Taga-Istambul, Turkey Inihayag naman ni Maria Antonette Bucasas-Mangrobang, tagapagsalita ng Immigration, na nakasaad sa departure card ni Ramona ang address nito sa Istanbul, Turkey. “She also indicated that she is a resident at ang naka-indicate purpose of travel: resident," paliwanag ng opisyal. Idinagdag ni Mangrobang na inatasan ni Lina Pelia, hepe ng airport operation division ng BI, ang mga supervisor at immigration officer na nakabantay nang oras na umalis si Ramona na magsumite ng kanilang ulat tungkol sa dokumentasyon nito. Lumitaw din na walang ipinakitang return ticket si Ramona batay sa paunang ulat ni Pelia, ayon sa tagapagsalita ng BI. Inaalam na rin ng Immigration kung sa Turkey ang pinal na destinasyon ni Ramona na madalas daw nitong puntahan. Sa panayam ng Startalk nitong Sabado, kinumpirma ni Sen Ramon “Bong" Revilla Jr., na 19-anyos lang ni Ramona nang mag-asawa ito na ikinagalit ng kanilang ama na si Ramon Sr. “Kaya sumama ang loob ng aking ama dyan kay Mara dahil nag-asawa ng bata…yun nga I think 19 years old nung mag-asawa si Mara. ‘Yon malamang 'yon ang pupuntahan niya dun sa Turkey," tugon ng senador nang kunan ng reaksiyon ni Lolit Solis, host ng Startalk, tungkol sa mga impormasyon na nasa Turkey na si Ramona. Sinabi ni Sen Bong na hihingin niya ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para makipag-ugnayan sa Interpol upang maibalik sa bansa si Ramona. Sina Ramona, Ram at RJ, ay mga anak ni Ramon Sr sa dating aktres na si Genelyn Magsaysay. Sa tatlo, sinabi ni Sen Bong na si Ram ang pinakamalapit sa kanilang pamilya dahil halos sa kanilang partido ito lumaki kasabay ng kanyang mga anak na sina Jolo at Brian Revilla. “Si Ramgen halos lumaki 'yan halos kasabay nina Jolo at Brian dahil nung nabubuhay pa mommy ko, ang mommy ko pa mismo ang nag-aalaga diyan sa kanyang sa mansion. Mahal na mahal ng nanay ko 'yan kaya ganun kalapit sa amin si Ramgen," pahayag ni Sen Bong. - FRJimenez, GMA News

Tags: ramrevilla
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular