Filtered By: Topstories
News

Ekonomiya ng Pinas, isinalba ng OFW remittances


MANILA – Inihayag ng isang kilalang negosyante na malaki ang naitulong ng mga ipinapadalang pera ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kaya hindi lubos na naapektuhan ang Pilipinas sa nagaganap na financial crisis sa western countries. “I believed we will not be much affected by the Western Fall because we are pretty insulated by the remittances by Filipinos working abroad," ayon kay Jose Ma Concepcion matapos inilunsad ang First OFW and Family Summit 2011 sa Mandaluyong City nitong Huwebes. Ang OFWs and Family Summit ay nabuo sa pagtutulungan ng programa ni Concepcion na Go Negosyo at Villar Foundation ng mag-asawang Sen Manny Villar at dating Las Pinas Rep Cynthia Villar. Layunin ng OFWs and Family Summit na matulungan ang mga OFW at kanilang pamilya na magtayo ng sariling negosyo, makatulong sa ekonomiya, at makalikha ng trabaho. Sinabi ni Concepcion, patuloy na lumalaki ang ipinapasok na remittances ng mga OFW sa bansa na nagbibigay proteksiyon sa ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng mga nagaganap na krisis sa Europa, US at ilang lugar sa Middle East. “Unless there would be more turmoil and strife in the Middle East, and a political crisis in China and in the country, our economy can surpass the economic crunch now being experienced by the Western world," pahayag ni Concepcion. Paliwanag ng negosyante, hindi kagaya ng Pilipinas, masyado umanong malaki kung umutang ang mga bansa sa kanluranin at kakaunti naman ang nagbabayad kaya naapektuhan ang kanilang ekonomiya. “They (Western world) borrowed huge and they had violated the International Monetary Fund (IMF) principle by printing more money to keep their economies afloat, however, the Philippine relies heavily on remittances from Filipinos abroad, and keep our economy afloat," paliwanag ni Concepcion. “Since they (Western nations) are superpowers, they can print more money, but it will violate the fundamental economic principles which will led to economic collapse," dagdag niya. Sa pamamagitan ng programa ng Villar Foundation at Go Negosyo, sinabi ni Concepcion na tutulungan ang mga OFW at kanilang pamilya na magtayo ng sariling negosyo upang hindi masayang ang kanilang naipong kita sa abroad. Sinabi naman ni Villar na may mga OFW na nagbabalak magnegosyo pero hindi nila alam kung papaano magsisimula. - GMA News
Tags: ofws, remittances