Filtered By: Showbiz
Showbiz

Tugon sa tweets ni Anne Curtis: Kapuso artists, mas matagal naghintay


Nagbigay ng paliwanag ang GMA Network tungkol sa mga tweet ng aktres na si Anne Curtis na nagsabing hindi siya pinayagan ng staff ng network na mauna sa mga Kapuso artist na umakyat sa stage para sa USTv Student’s Choice Kickoff Party nitong Huwebes. Sa tweets ni Anne nitong Huwebes, sinabi ng aktres na aakyat na siya ng stage dahil nauna siya sa mga Kapuso artist. Kakanta sana si Anne pero hindi na raw niya ito gagawin at sa halip ay babati na lang sa mga tao. “It's just sad that i was already about to get on stage, as in by the stairs na. Kasi nauna ako dun before the GMA Artists were there," isa sa mga tweet ni Anne. “Hayaan nyo na guys. GMA staff probably had their own reasons. Just wanted to let you know why I disappear. “Wag na kayo magalit sa GMA peeps.. And just to clear it. They didn't said bawal ako kumanta ever.. They just didn't want na mauuna ako sa Artists nila.. I tried to negotiate and say Hindi na Lang ako kakanta, Hi Lang.. But I guess Lang din sila cguro. Kaya deadma na. :) think I explained it the best way that I can. Sorry again Thomasians! Hope you all know I really wanted to get up on stage & SING! Hahaha!," ilan pa serye ng tweets ng aktres.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa pahayag ng GMA Network na iniulat ni Pia Guanio, host ng Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabing hindi pumayag ang staff ng GMA na paunahin si Anne dahil sinusunod nila ang ibinigay na program sequence ng organizer ng USTv awards. Bago pa man sumapit ang 5:00 p.m. nasa venue na umano ang mga talent ng GMA batay sa bilin ng organizers ng programa. Nakatakdang isalang ang mga Kapuso artist pagsapit ng 7:00 p.m. Ngunit dahil sa biglang isiningit umanong pagtatanghal ng ibang talents (hindi taga-GMA), naurong ang programa. Magtatanghal na ang mga Kapuso artist nang bigla umanong dumating si Anne kasama ang kanyang road manager. Nakiusap umano si Anne na pasingitin siya kahit saglit. Ngunit hindi pumayag ang kinatawan ng GMA dahil ilang oras nang naghihintay ang mga Kapuso artist na mayroon ding kanya-kanyang commitment. Sa tweet nitong Biyernes, sinabi Anne na inabisuhan siya ng organizer ng USTv na dapat nasa venue siya ng 7:00-7:30 p.m. at kaagad na isasalang pagdating. At batay sa kanyang driver, dumating umano siya sa venue ng 7:10 p.m. Sinabi rin ng aktres na hindi siya galit sa GMA Network at sa mga artist nito tungkol sa nangyari at nais lang niyang ipaliwanag kung bakit siya biglang nawala kaya siya nag-tweet. “The only reason why I tweeted last night was because pinalabas na ako ng USTv staff to perform so nakita na ako, mas nakakagulat if bigla naman ako nawala. Its only proper I explain to them what the reason was why I left. I owe that to the Thomasians who tweeted & were waiting for me. To clear it, I'm not dissing the network or the artists of GMA. As I said in my tweet don't get mad at the GMA staff they probably had their own reasons. But if I was called by the staff of USTv and was already at the side of stage waiting to be called maybe they/she could've taken that into consideration also," nakasaad sa tweet ni Anne. Sinabi sa ulat ni Pia na bagaman nauunawaan na may balidong dahilan si Anne kung bakit gusto nitong maunang makaakyat ng stage, dapat din umanong unawain na mayroon ding schedule na sinusunod ang mga GMA artist na naantala na bago pa man siya dumating. Bukod dito, sa mga ginawang pagpupulong ay hindi umano alam ng GMA Network at hindi sinabihan ng organizer ng USTv ang network na kasama si Anne sa programa. Dapat umanong magbigay ng pahayag ang organizer ng USTv award para hindi na humaba pa ang naturang isyu, ayon sa ulat ni Pia. – FRJimenez, GMA News

Tags: annecurtis