Filtered By: Topstories
News

Ongpin, maaaring kasuhan ng plunder — Osmeña


Inihayag ni Sen. Sergio Osmeña III nitong Lunes na maaaring kasuhan ang kontrobersyal na negosyanteng si Roberto Ongpin at ilang opisyal ng bangko ng plunder konektado sa $180-milyon na pautang mula sa dalawang pambansang bangko para sa kumpanya umano ni Ongpin nitong 2008. Nauna nang iginiit ng senador ang Development Bank of the Philippines (DBP) sa kanilang ilegal na pag-apruba ng $90-milyon na pautang noong 2008 sa Global Air Services (GAS), kontrolado umano ni Ongpin, na walang lisensyang magsagawa ng negosyo sa bansa at may kapital na $2 lamang. Itinanggi naman ni Ongpin na pagmamay-ari niya ang GAS. Ayon sa kanya, isang special purpose vehicle (SPV) ang nasabing kumpanya na pinagmamay-ari ng Presidio Capital, isang Sinagporean fund management na kumpanya. Dagdag pa niya, siya ay, "was totally taken aback by [Osmeña’s] incredible statement." Ang special purpose vehicle (SPV) ay isang kumpanya na isinagawa upang magsagawa ng isang partikular na pinansyal na transaksyon o serye ng mga transaksyon. Sa kanilang website, inilarawan ng Presidio Capital ang sarili nito bilang "a private investment group that focuses on the origination and structuring of emerging market and special situations corporate finance transactions." Ayon kay Osmeña, pinuno ng Senate committee on banks and financial institutions, inapruba ng DBP ang pautang noong Disyembre 2008 "despite the absence of a loan application and applicant." Aniya, ginamit umano ng GAS ang 90-milyon na pondo upang ipambili ng securities na kaugnay sa Metro Rail Transit (MRT). $2 corporation gets $90-M + $90-M Nitong Lunes, iginiit ni Osmeña na nagkaroon muli ng $90-milyon na pautang mula sa Land Bank of the Philippines para sa GAS para sa parehong layunin. “You know that’s a very complicated deal. I have been studying that for two months already. The way it is done, hindi mo talaga maintindihan," aniya. “They lent money to a $2 corporation, [GAS] of the British Virgin Islands, a corporation that is not licensed to do business in the Philippines. So, paano mo kakasuhan iyan, eh, wala namang address dito? So, pahiramin mo ng $180 million. Kung hindi ka bayaran, paano mo hahabulin iyan?" kanyang ipinaliwanag. Dahil dito, maaaring humarap si Ongpin, kasama ang dating DBP chair Reynaldo David, Land Bank president Gilda Pico, at board members ng dalawang banko, sa kasong plunder. “Can you imagine approving a loan and there’s no borrower? The borrower was named three weeks later? Pero aprubado na ‘yung loan. Tapos dumating ‘yung borrower, ang worth niya $2 lang pala," aniya. "[They could face] plunder. Because there was a spread, too big a spread between... sinabi nila, ‘Eto ang presyo natin.’ Pero hindi naman sinabi sa public. Kanila lang," dagdag niya. Ongpin’s ‘people’ signatories in transactions Ayon kay Ongpin, pagmamay-ari ng Presidio Capital ang GAS. Mula sa website ng Singaporean na kumpanyang ito, kanilang inihayag na sila ay "a leading provider of capital to enterprises throughout Asia and the Pacific, having invested in excess of $1 billion since 1998." Inihayag naman ni Osmeña na may ilan itong tauhan - kanyang long-time executive secretary Josephine Manalo at ang kanyang abogadong si Rodolfo Ma. Ponferrada -- na pumirma umano siya sa ilang transaksyon na isinagawa ng GAS. "I have a list of all those people who sat on those boards. Huwag niyang sabihin na wala siyang pakialam dito. Bakit nilalagay mo ang mga bata mo diyan?" ani Osmeña. Inihayag naman ni Ongpin, "I wish to stress that I had absolutely nothing to do with obtaining these loans. I might say, however, that the government not only saved substantial amounts of money but in fact earned and continues to earn substantial amounts of interest as a result of these transactions." Kasalakuyang humaharap si Ongpin sa Senate dahil sa P660-milyon na pautang na ibinigay ng DBP sa kanyang kumpanya na Delta Ventures Resources Inc. (DVRI) noong 2009. Humaharap ngayon si Ongpin at 27 dati at kasalakuyang DBP opisyal sa ilang kriminal at administratibong kaso sa Ombudsman dahil sa DVRI issue. Samantala, inaanyaya na rin si dating Finance Secretary na si Margarito Teves upang humarap sa Senado sapagkat siya umano ang nag-apruba sa GAS deal. "[He] was not only chairman of Land Bank, he was also the secretary of finance. He was the one who approved this," aniya. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News