Filtered By: Showbiz
Showbiz

Iwa Moto, iginiit na hindi siya buntis


Sa pagbabalik sa bansa ng Kapuso star na si Iwa Moto, mariin ang kanyang mensahe na walang katotohanan ang mga intriga na nagdadalawang-tao siya. Sa Showbiz Exclusive ng GMA News TV 11 nitong Miyerkules, sinabing kinumpirma ni Iwa sa pamamagitan ng Twitter ang pagbabalik niya sa Pilipinas matapos mamalagi sa Japan ng ilang buwan. Lumipad patungong Japan si Iwa matapos maganap ang pag-aaway nila ng kanyang ex-boyfriend sa parking lot na malapit mismo sa GMA 7. Ngunit hindi raw maiwasan na may mga magtanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita ang kontrobersiyal na Kapuso actress.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kasunod nito ay ang paglalabasan din ng kung ano-anong espekulasyon sa tunay na kalagayan ni Iwa. Sa isang tweet ni Iwa, sinabi ng aktres na: “hindi lahat ng naririnig totoo na…kaya nga tinawag na chismis eh. Antayin nyo na AKO mismo ang magsalita nang malaman nyo ang TOTOO : )." Sa isa pa niyang tweet, sinabi ni Iwa na noon pang Nov. 4 siya dumating pero hindi siya nagpapakita para makaiwas muna sa stress. Pero tiniyak niya na malapit na siyang lumabas. At tungkol sa mga intriga na buntis siya, ang tugon ni Iwa sa pamamagitan pa rin ng Twitter: “Im NOT pregnant!! Tantanan nyo aq!!!!" - FRJimenez, GMA News