Filtered By: Topstories
News

RJ Bautista, 'di nabasahan ng sakdal kaugnay ng Ramgen case


MANILA – Hindi natuloy ang pagbasa ng sakdal kay Ramon Joseph "RJ" Bautista nitong Miyerkules kaugnay sa pagpatay sa kanyang nakatatandang kapatid na si Ramgen Revilla — mga kapatid sa ama ni Sen Bong Revilla. Sa ulat ng GMA's News To Go, sinabing ipinagpaliban ng Parañaque City Regional Trial Court Branch 274 ang pagdinig sa kaso ni RJ matapos maghain ng motion to quash ang kampo ng akusado.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ang motion to quash ay hinirit ni Atty Dennis Manzanal, abogado ni RJ, dahil sa ilegal na pag-aresto umano ng mga pulis sa kanyang kliyente. Si RJ ay inaakusahang sangkot sa pagplano na patayin ang kapatid na si Ramgen sa loob ng kanilang bahay sa Paranaque noong October 28. Nasugatan sa naturang krimen ang kasintahan ni Ramgen na si Janelle Manahan. Isinasangkot din ang isa pa nilang kapatid na si Ramona Revilla, na lumipad na patungong Turkey. Nang dalhin sa korte, sinabi sa ulat na pilit pa rin na itinaga ni RJ ang kanyang sarili. Kaagad ding ibinalik si RJ sa Parañaque City Jail matapos magpasya ang korte na ipagpaliban ang pagbasa ng sakdal sa kanya. — GMA News
Tags: ramrevilla