Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Poem captures Pinoys' bayanihan spirit amid Thailand floods


The Philippine Embassy in Bangkok said a poem written by Filipino teacher Maria Paz Samelo captures the "bayanihan spirit" of Filipinos in Thailand amid the flooding problem there. "During the ongoing flood crisis in Thailand, noble acts of charity and compassion by kind-hearted individuals and organizations have brought to the fore man’s innate sense of concern for the welfare and well-being of other people," the embassy said. PAGTUTULUNGAN SA ORAS NG PANGANGAILANGAN (Maria Paz Samelo) Sa oras ng pangangailangan Mga Pilipino ay nagtutulungan Dito nakikita ang pagmamahal sa bayan Lalo na sa baha dito sa Thailand Sa ilang linggong paghihintay Kaming lahat ay nakaantabay Sa mangyayari sa aming buhay Dahil sa daloy ng tubig na walang humpay Pagtawag sa telepono ng mga kaibigan Upang malaman ang kanilang kalagayan At nang mabigyan ng lunas ang problema Sa dumating na sakuna Pagdarasal sa Panginoon aming ginagawa Na sana’y di madagdagan ang pinsala Sa hampas tubig sa iba’t ibang bayan Nawa’y amin itong malampasan Pag-iimbak ng mga pangangailangan Lahat binibili upang huwag maubusan Ngunit paano ang mga simpleng mamayan? Kung lahat ay ubos na kahit sa mga tindahan? Huwag mag-alala mga kaibigan Tumawag lang sa kinuuukulan Lalo na sa Imbahada ng Pilipinas Dahil sila ang tumutulong at nagbibigay lunas Sa ganitong panahon ng krisis Pangtutulungan at pagkawang-gawa’y di maalis Pinoy ka man o ibang lahi Nawa’y sa ating puso ay manatili. - GMA News