Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Kwentong Kapuso: Pinay teacher's thoughts on OFW deployment ban


A GMA News Online reader, Lerma M. Fernandez, shared her thoughts about the ban imposed by the Philippine government in 41 countries, including Lesotho, where she is working. The implementation of the ban has been deferred to early next year. Isa akong guro dito sa international school. Ang anak ko ay nag-aaral sa aming sister school, IS din. Ano ang naging basehan ng ating gobyerno para isama ang Lesotho sa isa sa mga ban na bansa? Kami ditong mga Filipino ay maganda ang katayuan. Respetado kami at may tiwala sila sa aming kakayahan. Hindi pa pwedeng makipag-usap ang ating gobyerno sa gobyerno ng Lesotho? Baka pwedeng magtulungan ang dalawang bansa. Hindi ako pabor na isama ang Lesotho sa mga may deployment ban na bansa. Maganda ang aming katayuan dito, tahimik at respetado ang aming karapatang pantao, at higit sa lahat maganda ang aming trabaho —bisor sa pabrika at quality controller buyer ang iba dito. May dentistang Pinoy at engineer dito. Ang pangit lang ay hindi kami makabili ng property unless we are citizens. - VVP, GMA News