Filtered By: Showbiz
Showbiz

2011 Miss World 1st Runner-Up Gwendoline Ruais, pasukin kaya ang showbiz?


Masayang-masaya ang 2011 Miss World 1st Runner-Up na si Gwendoline Ruais sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas nitong Biyernes. Sa ulat ng Chika Minute ng GMA news 24 Oras, sinabing mula sa pagrampa sa beauty pageant ay ready din si Gwendoline na sumabak sa showbiz. Ayon kay showbiz reporter Cata Tibayan, dumating ang Pinay pride sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport nitong hapon ng Biyernes mula sa Paris, London at Abu Dhabi. For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Si Gwendoline ang ikalawang Pinay na nakasungkit ng korona bilang 1st Runner-Up sa Miss World. Dream come true raw kay Gwendoline ang pag-uwi niya ng korona. At dahil tutok ang atensiyon niya sa mga charity works, out daw muna ang mga manliligaw. Pero nang tanungin kung papasukin ba niya ang showbiz, masayang tugon ni Gwendoline: “Gusto ko talagang mag-host… ng mga talk show mga ganun, chikahan." -- FRJimenez, GMA News