Filtered By: Topstories
News

Jackpot prize sa Grand Lotto 6/55, umabot sa P102M


MANILA – Umabot sa mahigit P102 milyon ang jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola nitong Sabado ng gabi. Sa live draw na ipinalabas sa government TV station PTV-4 nitong Sabado ng gabi, ang lumabas na winning combination ay: 05-53-17-54-15-02. Sa pagtatapos ng programa, inihayag na walang nakakuha ng winning combination para sa naturang 6/55 draw na may papremyong P102.499 milyon. Samantala, dalawa naman ang maghahati sa minimum jackpot prize na P3 milyon para sa 6/42 draw. Ang napanalunang winning combination sa 6/42 ay: 05-23-22-04-18-13. – FRJ, GMA News
Tags: lotto, grandlotto
LOADING CONTENT