Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Andi Eigenmann gives birth to healthy baby girl


Nanganak na si Andi Eigenmann! Nagsilang siya ng healthy baby girl dakong 5:20 ng hapon nitong Miyerkules via the caesarian section sa isang pribadong ospital.   Ang timbang ng baby na pinangalanan niyang Adrianna Gabrielli ay 7 lbs and 8 ounces.   Lunch time kanina nang magsimulang mag-labor ang aktres at bandang 12:30 ito nag-one cm.   Normal delivery ang gustong paraan ng panganganak ni Andi ng pero tila nag-high risk ito kaya nagdesisyon ang mga doktor na i-caesarian siya.   Sa kasalukyan ay nasa recovery room na rin siya.   Samantala, napu-frustrate ang kanyang ina na si Jaclyn Jose dahil hindi nito na-witness ang kaganapan sa anak. Galing ito sa South para sa isang out-of-town taping, at nasa kalsada siya at naiipit sa traffic. -- Anna Pingol, PEP