Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mark at Jennylyn, balik-tambalan


Matapos ang halos dalawang taon, balik-tambalan sa telebisyon ang ex-lovers at dating magka-love team na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado.   Sa Spooky Nights Presents: Kaibigan ng GMA 7 sa darating na Sabado, muling masisilayan ng fans ang kanilang idols na sina Mark at Jen, ayon sa ulat ng showbiz reporter na si Aubrey Carampel.   Excited naman ang dalawa sa kanilang balik-tambalan at umaasa silang ikatutuwa ito ng kanilang fans.   “Marami rin naman nagre-request before kahit sa Internet na magkasama uli kami ni Jen sa trabaho, eto na yung chance,” pahayag ni Mark sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.   “Para rin sa mga fans ‘to ng Mark-Jen para naman sumaya-saya sila dahil ang tagal na rin naman nag-aantay ng project naming dalawa,” dagdag ni Jennylyn.   Huling nagkasama sa proyekto ang dalawa sa afternoon soap na Ikaw Sana.   Kahit matagal nang hindi nagkasama at may kanya-kanya na silang karelasyon in real life, hindi naman daw nagkailangan sina Mark at Jennylyn.   For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Si Mark ay may Ynna Asistio na, habang inamin naman si Jennylyn recently ang pagkakamabutihan nila ni Luis Manzano.   “Bakit ngayon pa? After how many years ‘di ba ngayon pa ba kami magkakailangan?,” ayon kay Jen.   “Mas okey kaming magtrabaho kasi sanay na kami sa isa’t-isa,” paliwanag naman ni Mark. – FRJimenez, GMA News