Filtered By: Topstories
News

Bakit negro ang Nazareno ng Quiapo?


Hindi matatawaran ang bilang ng mga deboto ni Jesus Nazareno ng Quiapo dahil sa paniwala at mga testimonya na rin ng kanyang mga nagawang milagro. Pero alam kaya nila kung bakit itim ang kulay ng poon? Dalawa ang lumilitaw na sinasabing dahilan kung bakit itim ang kulay ng Nazareno sa Quiapo. May nagsasabing nasunog ang bahagi ng barko na pinaglalagyan ng Nazareno mula sa Mexico habang naglalayag ito patungo sa Pilipinas. Bagamat hindi nasunog ang poon, pinapaniwalaang dumikit sa kahoy ng rebulto ang usok na itim na dulot ng sunog kaya ito umitim. May nagsasabi rin naman na sinadyang gawin itim ang kulay ng poon upang ipares sa balat ng mga gumawa nito, ang mga Mexican-Indian.--GMANews.TV