Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Southeast Asia binuksan para sa mga Pinoy nurse

May bagong oportunidad para sa mga Filipino nurse na nais makapagtrabaho sa ibang bansa.

Iniulat ng GMA-7’s “24 Oras" nitong Huwebes na nilagdaan na ang Mutual Recognition Agreement for Nurses Service sa Association of Southeast Asian Nations (Asean).

Ang naturang kasunduan ay magbibigay ng pagkakataon sa mga registered Pinoy nurse na makapagtrabaho sa alin mang sa 10 bansa na miyembro ng Asean.

Sa mga kasaping bansa, ang Singapore at Malaysia ang mayroong malaking pangangailangan sa mga nurse.

Ngunit hindi naman garantisado na ang sahod na makukuha sa Souheast Asian countries ay katulad ng pasahod sa mga nurses sa Amerika at Europa na karaniwang nasa P100,000 hanggang P150,000 kada-buwan.

Nakasaad sa kasunduan na kailangan munang magtrabaho sa Pilipinas nang hindi bababa sa tatlong taon ang isang Pinoy nurse bago ito makapag-apply sa ibang bansa sa Asya.

Inihayag naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi pa kaagad maipatutupad ang kasunduan dahil kailangan pa munang plantsahin ng mga bansa sa Asean ang sistema sa pagpoproseso ng mga nurse upang matiyak na may kakayahan silang protektahan ang mga pasyente sa kani-kanilang bansa.

Hindi na kailangang kumuha at maipasa ng aplikante ang anumang licensure exam para makapagtrabaho sa katabing bansa sa Asean.

Ang naturang balita ay ikinatuwa naman ng ilang nurse sa bansa dahil nagpapakita ito sa kakayahan ng mga Pinoy nurse na magkaloob ng dekalidad na pag-aaruga sa mga pasyente, hindi lang sa Asia kundi sa buong mundo.--GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Tuition freeze iginiit dahil sa El Nino
03/20/2010 | 10:06 PM
MANILA – Bunga ng pinsalang idinulot ng matinding init o El Nino phenomenon lalo na sa mga lalawigan, nanawagan ang isang senatorial candidate na huwag payagan ng pamahalaan ang anumang tuition... More
Gibo pabor sa military cooperation maging sa ibang bansa
03/20/2010 | 04:53 PM
Inihayag ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro na isusulong niya na magkaroon ng military cooperation maging sa ibang bansa katulad ng ipinatutupad na Visiting Forces... More
Dayuhan bawal pa ring magpapako sa krus sa ‘Cutud’
03/20/2010 | 03:06 PM
Dahil sa mga nagdaang kontrobersiya na kinasangkutan ng mga dayuhang nagpapako sa krus sa mga dinarayong senakulo, nagdesisyon ang mga opisyal ng barangay ng San Pedro Cutud sa San Fernando,... More
OFW gives birth on plane; baby gets unique name
03/19/2010 | 11:31 PM
Isang overseas Filipino workers mula sa Dubai ang nagsilang ng kanyang sanggol sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Pinangalanan ang sanggol na SQ – na hango sa eroplano na sinakyan nilang... More
6 na kandidatong pangulo posibleng idiskuwalipika ng Comelec
03/19/2010 | 07:23 PM
MANILA – Posibleng tatlong kandidato na lang sa panguluhan ang pagpilian ng mga botante pagsapit ng halalan sa Mayo 10 kapag natuloy ang babala ng Commission ng Elections laban sa anim na iba... More
Senatoriable ni Gibo saksi sa pagwawala ng dayuhan sa loob ng eroplano
03/19/2010 | 05:57 PM
MANILA – Nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 100 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) Airbus A320 na biyaheng Cebu – kabilang ang isang kandidatong senador - nang magwala ang isang dayuhang... More
May rason bakit ‘di sumasama sa kampanya si Korina - Roxas
03/19/2010 | 04:11 PM
MANILA – Hindi umano nais ni vice presidential bet Sen Manuel Roxas II na makaladkad sa “partisan activities" ang maybahay niyang si Korina Sanchez kaya hindi ito sumasama sa kampanya ng Liberal... More
OFW group handang tumulong sa OAV sa Saudi
03/19/2010 | 12:30 AM
JEDDAH, Saudi Arabia – Nag-alok ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang isang grupo ng mga overseas Filipino workers kaugnay sa isasagawang Overseas Absentee Voting na... More
Pondo sa condom gamitin na lang daw sa ibang pangangailangan sa kalusugan
03/18/2010 | 06:09 PM
MANILA – Sa halip na condom, dapat unahin umano ng Department of Health ang pagbili ng mga gamit para sa mga pampublikong pagamutan at health center lalo na sa mga lalawigan. More
Edu Manzano ‘di nakasipot sa panayam ni Mike Enriquez
03/18/2010 | 05:41 PM
MANILA – Sa kabila ng garantiya ni Edu Manzano na hindi aatras sa kanyang kandidatura, nabigo naman itong humarap sa programa ni Mike Enriquez sa dzBB radio kung saan isinasalang ang mga... More
ADVERTISEMENT
Arroyo inks land titling, tax info sharing laws
2010-03-19 08:17:26
Two landmark laws -- one allowing the sharing of taxpayer information with foreign entities and...
Dumandan rallies to beat Bayron at Sherwood Hills
2010-03-20 13:56:37
Trece Martires, Cavite — Marvin Dumandan ruled the ICTSI-Sherwood Hills Classic after...
Intel launches fastest, first 32-nanometer chip
2010-03-19 19:55:42
The Philippine subsidiary of Intel Corp. unveiled to the local market on Friday its fastest...
Mindanao evacuees in the dark about elections, docu project bares
2010-03-20 21:04:54
Many people living in evacuation centers in war-torn areas of Mindanao don’t know a lot about the...